ni John Lester Amurao
Ang ROLP ay nagbigay ng isang recollection sa gabay ni Padre Alfred “Bong” Guerrero noong ika-26 ng Hulyo, Sabado, upang ipagdiwang ang taon ng mga layko. Ang recollection ay binigyan ng tema na: “Mary in the Year of the Laity.” Dinaluhan ito ng humigit kumulang na 140 na katao, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.
Sa kanayang pagturo, sinabi ni Fr. Bong na hindi importante ang mga abilidad ni Maria upang tumugon sa paanyaya ng Diyos na maging Ina ni Hesus. Mas mahalaga ang pagiging bukas ng kanyang kalooban na bunga ng kahanga-hangang pananampalataya sa Diyos. Ang ganitong pagkabukas ay hamon din sa ating mga layko. Ang matutularan natin kay Maria ay ang walang hanggang tiwala sa Diyos. Bilang pangwakas, umawit si Fr. Bong ng awiting “When You Believe.”
Tuesday, September 9, 2014
BALITANG PAROKYA | "40 @ 40", Inilunsad ng Parokya
ni Dianne Orendain
Noong ika-19 ng Hulyo, opisyal nang inilunsad ng ating parokya ang proyektong “40 at 40” na naglalayon na makakalap ng pondo para sa nalalapit na ika-40 anibersaryo ng parokya sa Enero 2015. Nagtipon para sa paglulunsad ang mga miyembro ng Parish Pastoral Council at ang 40 na mga hermano at hermana na nag-abot at mag-aabot pa ng kanilang tulong para sa nasabing proyekto mula Hulyo 2014 hanggang sa piyesta sa susunod na taon.
Ayon kay Fr. Pong del Rosario, ang bilang na 40 sa Bibliya ay simbolo ng katuparan ng mga pangako ng ating Panginoon. Anya ni Fr. Pong, “Sa nalalapit nating ika-40 na anibersaryo, nawa tayo ay magbalik-tanaw sa nakaraan at ipagdiwang ang kasalukuyan upang magpasalamat sa lahat ng biyaya na ibinigay ng Panginoon.” Ipinaabot din ni Fr. Pong ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga patuloy na tumutulong sa ikabubuti ng ating simbahan.

BALITANG PAROKYA | Tungkol sa "'Sang Dosena sa 'Sang Taon"
ni Jordeene Sheex Lagare
Apat na buwan mula nang ito’y inilunsad, mahigit-kumulang P350,000 na ang nailikom mula sa fundraising activity na ‘Sang Dosena sa ‘Sang Taon.
Sa ngayon, nasa 63 ang bilang ng mga indibidwal at grupo, mula sa loob at labas ng simbahan, ang nakikibahagi sa naturang fundraising.
Tuwing huling Linggo ng buwan sa lahat ng misa, ipinagbibigay-alam sa lahat ang kabuuang halaga ng perang nalikom. Ang pera ay gagamitin sa mga sumusunod: espiritwal na mga gawain, stewardship, pagpapanatili ng ating parokya, pangangalaga ng mga pasilidad sa parokya, at mga gastusin sa pamamahala ng ating simbahan.
Lubos na nagpapasalamat ang ating kura paroko at ang buong Parish Pastoral Council sa lahat ng naki-isa, nakiki-isa, at makiki-isa sa layuning ito ng parokya.
Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng ating parokya; kay Via Tanglao, Parish Pastoral Council Coordinator; kay Dollie Basa, Finance Committee Coordinator; o sa mga kawan leaders.

BALITANG PAROKYA | Pray it Forward Inilunsad
ni Rhea Jomadiao
Inilunsad ang proyektong Pray it Forward noong ika-6 ng Hulyo, 2014 sa ating simbahan.
Sa pangunguna ng Apostleship of Prayer (AP), layunin nito na dumami ang mga taong nakaaalam sa wastong pagdarasal ng santo rosaryo.
Napansin ng nasabing organisasyon na paunti nang paunti ang mga taong nagdarasal ng rosaryo o kulang ang kaalaman ng ilan tungkol dito.
Kailangan ng bawat isang tao na maituro at maipasa ang natutunan sa iba hanggang sa dumami ang matuto at mahikayat na dasalin ang santo rosaryo araw-araw.
Nakikipag-ugnayan ang AP sa Parish Pastoral Council at mga ministry heads upang ikalat ang balita tungkol sa proyektong ito. Nagpapagawa din ang AP ng mga pamphlet na may kasamang mga rosaryo na ipinamimigay nila sa lahat ng misa tuwing Linggo.

COVER STORY | Ang Laykong Naglilingkod sa Diyos: Bukas Palad, Puno ng Pag-Ibig
ni Joy dela Cruz-Dagun
Kilala ang Resurrection of Our Lord Parish sa dami ng mga laykong naglilingkod dito na patuloy na nagsisilbi at nagbabahagi ng kanilang panahon, talento, at kayamanan sa simbahan.
Madaling maglingkod, subalit hindi laging madaling manatiling naglilingkod. Ang lalim o babaw ng udyok maglingkod ay depende sa mga motibo ng taong naglilingkod. Kung ang mga motibo ng paglilingkod ay pawang panlabas lamang, tulad ng pagiging sikat, pagkakaroon ng matatakbuhan sa panahon ng matinding pangangailangan, o pagkukuhanan ng tsismis, marahil kapag nawala ang mga ito, maglalaho rin ang pagnanais na maglingkod.
Ang tanong ay, saan hinuhugot ng tao ang lakas upang maging tunay ang paglilingkod sa kabila ng lahat? Hindi kaya sa mga motibong panloob na nagmumula sa puso at isip na naliliwanagan ng pananampalataya sa Diyos?
Ang taong naglilingkod sa Diyos ay nakauunawa na ang lahat ng mga biyaya rito sa mundo ay galing sa Diyos at dapat lamang na ibalik ito sa kanya, nang buo o kahit kapiraso man lamang. Ang tunay na paglilingkod ay nagmumula sa puso at lalong hindi nanghihingi ng anumang kapalit. Oo nga’t may nagsasabi na minsan may mga biyayang dumarating kapag sila ay naglilingkod, tulad na lamang ng biglang pagdating ng tulong pinansyal sa panahong kailangang-kailangan ito. Subalit sa taong naglilingkod nang tapat, ang ganitong mga biyaya ay ipinagkakaloob ng Diyos nang dahil sa kanyang karunungan ay nalalaman Niya ang mga pangangailangan ng isang tao kahit hindi ito sabihin sa Kanya. Kung kaya, hinding-hindi niya masasabi na ang ganitong mga biyaya ay kapalit ng kanyang mga gawaing paglilingkod.
Kung ang paglilingkod ay taos sa puso, ito ay nagdudulot ng kakaibang kakuntentuhan at kasiyahang hindi mapapantayan ng anumang materyal na bagay o pagkilala. Ito ay kusang-loob at hindi sapilitan. Mapansin man o hindi ang ginawa ay balewala sa kanya sapagkat sa simula pa lamang ay wala siyang hinihinging kapalit.
Nasasaad sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Filipos ang ukol sa halimbawang iniwan ni Kristo—“Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo’y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapa-kanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili.” (Taga-Filipos 2:3-4)
Ngunit mas kaiga-igaya kung sa bawat paglilingkod na gagawin ay si Maria—ang ina ng ating Panginoong Hesukristo—ang gagawing huwaran. Isinantabi ni Maria ang pansariling kaligayahan nang sumang-ayon siya sa plano ng Diyos. Hindi niya inisip ang posibleng kahinatnan ng pagsang-ayon na ito: ang mapahiya dahil siya’y magdadalang-tao nang hindi pa ikinakasal sa kasintahang si Jose, at ang matanggihan ni Jose mismo. Hindi niya inisip ang kanyang sarili sapagkat matatag ang paniniwala at pananampalataya niya sa Diyos. Siya ang pinakahuwaran natin sa pananampalataya sa Diyos. Hindi man niya nakikita, sumang-ayon na siya sa Diyos nang sabihin ng anghel sa kanya ang dakilang plano ng Diyos. Siya ang nagpakita ng isang matatag at hindi matitinag na pananampalataya sa Diyos. Isa na ang nangyari noong tinanggap niyang maging ina ng Diyos, ngunit hindi ba’t mas matibay din na pananampalataya ang ipinamalas niya sa paanan ng krus noong si Hesus ay ipako at namatay dito upang tubusin ang sanlibutan? Sa kabila ng maraming pagsubok na ito, si Maria ay hindi natinag sa kanyang paglilingkod sa Diyos. At tumugon nga siya matapos marinig ang plano ng Diyos, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” (Lucas 1:38).
Tulad ng halimbawa ni Maria, ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos ay hindi dapat nawawala sa isang taong naglilingkod. Kung wala ito, ang paglilingkod ay itinuturing na pakitang-gilas lamang. Kung ang paglilingkod ay hindi nagbubukal sa pag-ibig ng Diyos, ito ay walang saysay at madaling maglaho. Ngayong taon ng mga layko, hinihikayat tayong maging mas matapang pa sa pagtatanggol ng ating pananampalataya. Ngayon, higit kailanman kailangan ng mga taong maglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng serbisyo sa simbahan.
Masayang maglingkod, masarap sa pakiramdam ang malaman mong nakatulong ka at napabuti ang isang bagay o isang tao. Masayang maglingkod, kung ang mga dapat gawin ay pagtutulungang tapusin ng mga taong hindi ini-isip ang sarili. Masaya maglingkod, kung sa dulo naman ay maiisip mong ang Diyos—ang iyong tagapaglikha ang iyong pinaglilingkuran. Masayang maglingkod, kung sa huli, malalaman mong nagawa mo ang layunin ng Panginoon kung bakit ka nilikha. Masayang maglingkod, lalo nang kung ang paglilingkod ay bukas-palad at puno ng pagmamahal sa Diyos.
Sinabi ng Panginoon: “Sagana ang anihin, ngunit ka kaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.” (Mateo 9:37-38)

Storing Up Treasures in Heaven: Stewardship as a Way of Life
by Christine Ann Amante
Stewardship. Some friends say it’s too big a word, almost like those seemingly distant virtues we do not commonly hear in our Christian Living or Religion class. Unlike the popular Faith, Hope and Love; stewardship as a virtue or even a term is as infrequently discussed casually as ‘chastity’.
But really, stewardship comes out in everything we do; and the concept is quite simple to understand. The simplicity of stewardship, though, does not guarantee that it is always easy to live by.
The Creation Story in Genesis gives us probably the earliest example of the stewardship command from God. Genesis Chapter 1 goes, “God said to them: Be fertile and multiply; fill the earth and subdue it. Have dominion over the fish of the sea, the birds of the air, and all the living things that crawl on the earth.”
God has given us everything we need, as well as the authority to “rule over” His creation. In return and out of love, we prove Him worthy of the trust He has given us by being good caretakers of our resources. This is stewardship.
5 Things You Need to Know About Stewardship

- Stewardship is acknowledging that everything comes from God.
- Stewardship is being responsible for our God-given resources of time, talent and treasure.
- Stewardship is a joyful expression of love for God and neighbors.
- Stewardship is giving your best.
- Stewardship should be a way of life.
It is somehow easy to benchmark where a person is at as to the life of stewardship – simply looking at where and how you are spending most of your time, using the skills God has given you, and allocating your material resources. Good stewards understand the importance of using their resources wisely, whether it be time, talent or treasure. And being one entails a lot of prayer and discipline.
Now that is the bigger picture. From here on, we will narrow the concept down to the stewardship of TREASURES.
Setting Aside First Fruits
The Bible tells us a way to honor God with our material resources. This practice, called tithing in the olden times, consists of setting aside first fruits for the One who deserves it most – the Giver of all gifts.
The truth is God, being God, does not need our money. He created everything, including money, for our sake. But this is the message of stewardship. We give back what we can afford for the building up of His Kingdom on earth, while we store up treasures in heaven.
BAPP: A Stewardship Program
The Balik Alay sa Panginoon is the Diocese of Cubao’s Stewardship Program that aims to cultivate a spirituality of stewardship among the local church’s parishioners whilst attaining the pastoral goals and needs of the parish.The BAPP member commits a certain amount given on a monthly basis. The regularity of the practice instills discipline that cultivates commit-ted stewardship.
Over the years, donations to BAPP have supported various pastoral projects and pro-grams including ROLP formation programs, relief aid to disaster survivors, church repairs, and purchase of new equipment, among others.
Friend, if you wish to commit your First Fruits to the Lord, our BAPP family will be more than glad to guide and walk with you in this meaningful journey of stewardship. For quick answers to your
questions about BAPP, feel free to approach Sis. Nelly Francisco after Sunday or weekday morning masses.
Teachers, Government Employees, and Young Professionals: Choose to be Brave
by Krystel Nicole Segovia
During this Year of the Laity, Filipino Catholics are challenged to “choose to be brave” as they are “called to be saints and are sent forth as heroes.” Even right in our own neighbourhood each of us is called to do what it takes to reach out to others and lead one an-other to God.
The Year of the Laity focuses on twelve sectors or groups of people with and for whom we can work to bring God’s saving love. We may actually be part of one sector or another. The last issue of this newsletter dwelt on the following sectors: broken families, homebound and prisoners, troubled friends, as well as the homeless and jobless. Here I focus on the other sectors.
Non-Practicing Catholics - Nowadays, many of us are just Catholics in name. Many of us merely perform the routines of being a Catholic but do not really live a genuine Christian life. As part of the laity, we are encouraged to bring these “lost Catholics” back to the loving embrace of the Lord. Our brothers and sisters who have strayed away from Christ must be able to meet and get to know Him again, as a first step to welcoming Him back into their lives.
Public School Teachers- The Advocating Change Through Schools (ACTS) program was formed in order to get members of the public school system evangelized. Using this approach, the laity aims to revive the Catholic values that have been missing among the teachers, parents, and students for quite some time.
As educators and second parents, teachers have a responsibility to instill among their students not only knowledge of facts and technical skills but also, and more importantly, the virtues and proper values that every Filipino Catholic should practice in order to mature as God-fearing individuals.
Parents, as the first teachers and persons their children will look up to, must primarily set a good example in their homes. Students for their part need to put into action what they learn from their parents and teachers because that is the whole sense of their learning experience.
Government Employees - The laity seeks to inspire government employees to perform their duties to the best of their abilities with honesty and integrity. In line with this, a different kind of approach will be used—government employees are to be thanked, celebrated, and honoured for their services. Rather than giving them usual reminders on how to work with dignity, they will be asked to share stories of their honest deeds as public servants. The laity are urged to thank them sincerely for their daily service to the people and treat them as one of our modern-day heroes.
Young Professionals - The laity aims to gather young people of different professions and make them active members of the Church. As a source of various potential skills, young professionals are highly encouraged to bring God into their fields of expertise. These people are urged to share the Lord’s goodness and put Him on top of their priorities, to live meaningful lives despite their hectic schedules due to their careers.
Lay Saints and Filipino Catholic Heroes - As part of the laity, we are enjoined to look up to our lay saints and Filipino Catholic Heroes as models of faithfulness to the Lord. These are the people who had led holy lives. The stories of their lives must inspire us to live according to God’s will not just this year, but for as long as we live.
Truly, it is important that we become aware of our roles as part of the laity. Our sincere cooperation is highly needed to make this year a success. As Filipino Catholics, we should do our part in bringing our brothers and sisters closer to the Lord not only out of a sense of duty to do so, but also out of our love for them. As Archbishop Socrates Villegas said in his message to us Catholics, “Temptation is everywhere. But perhaps the greatest temptation of all is to do nothing in the face of all these tests of faith.”

Subscribe to:
Posts (Atom)