Tuesday, January 11, 2011

To lead in the Lord's Light

by Angelli Tugado, Jordeene Lagare and Claude Despabiladeras



In this issue on lay leadership in church life, we feature the viewpoints of former officers of ROLP Pastoral Council (PPC). This is to complement the Sinag’s October-November 2010 edition, which focused on the parish youth. Here we asked each of the officers a different question to draw out their thoughts on various aspects of leadership and service in the parish. Leaving with so much experience tucked under their belts, these people share valuable advice that could help their successors carry out their responsibilities.


What important advice would you give to the incoming PPC officers?

I believe that the best advice I can give the incoming officers is for them to persevere in their work. No work is without its trials, difficulties and problems, and if we hope to succeed, we all have to be committed to our work. Wisdom, patience, discipline, kindness, understanding, team­work, and a loving heart are needed in order to lessen or avoid difficulties, problems and differences. I also believe that a leader, who should be exemplary in behavior, must not indulge in unrestrained talk.
A leader should unite and not divide the members of the parish. A leader should draw people into the parish and not cause them to move away. And, most important of all, is for them—for us all—to keep our minds and hearts focused on WHO we serve and why we do serve.
We should not expect any reward for what we do. We only offer our all to God Almighty—the source of everything we have. Nothing we do in service to God and men can ever equal the good we receive.
Let us look at our service as simply returning what we receive. Let us be happy that we are able to be of service and let us all know that without God we can do nothing and we are nothing. Let our service be all for the glory of God.
- Dollie Basa, Former PPC Coordinator

What are the things that you would most wish or pray for in order for our parish to grow?

We pray that we will always be “open and docile to the Holy Spirit ....” and “ever thankful for...generous, simple and God-loving people...a faithful community of Christ’s disciples grounded on the Eucharist.”
We tried to do our best in the tasks assigned to us and in our relationships with those around us, particularly with the less privileged members of our community, to live out our above-stated Parish Vision. Every time we pray the Our Father, we give special focus on our plea to Him: “Thy kingdom come, Thy will be done on earth (especially in our parish) as it is in heaven.”
We pray for the evangelization of every family; for the Munting Simbahang Kapitbahayan to flourish as centers of Christian life; for more well-informed Christ-centered Catholics who will share their time, talent and treasure in parish programs like the Balik Alay sa Panginoon program; for more opportunities of Christian formation and service for young people; and for a more proactive PPC that will respond to the various needs of the parish in the attainment of the Parish Vision.
Most of all, we pray that our community be ever grounded on our love for the Eucharist.
- Filemon Fernandez, Jr., Former BAPP Coordinator

What do you think are the qualities required of a good and efficient leader?

Commitment, I think, is the most important thing that leaders should have, especially in church, where everyone works as a volunteer. Being committed entails a lot of sacrifices; hence leaders must also know how to prioritize things and manage their time wisely.
Leaders must also be sensitive to the feelings and needs of others. Once they are aware of the needs of other people, initiative must follow. They should make sure that they do what they can to address whatever needs to be done.
Though enjoyable, parish work some­times comes with trials. That is why patience is also vital in being a leader, who must face every problem that arises. It is important to deal with problems prudently, and part of it is listening to the suggestions and recommendations of others. Leaders must also be team workers who can cooperate with everyone in pursuing important projects in the parish.
Above all, good leaders must have faith in God who is the source of all our skills and talents.
- Joy dela Cruz, Former PPC Secretary

Anong kasiyahan ang naidudulot sa iyong buhay ng pagiging PPC officer?

Isang karangalan ang mapili bilang kasapi ng PPC dahil alam ko, na sa kabila ng aking mga kakulangan, ako ay pinagkatiwalaang humawak ng posisyon. Masaya ako sapagkat alam kong tinutulungan ako ng Panginoon na magampanan ang aking gawain at nabigyan din ako ng pagkakataon na makasama at makatrabaho ang mga taong masigasig at malikhain sa pagtupad ng kanilang tungkulin. - Ma. Teresa D. Barro, Former Formation Ministry Coordinator

Ano ang pinakamatinding hamon na iyong pinagdaanan bilang PPC officer at paano mo ito nalampasan?

Naging isang mala­king hamon sa akin ang pakikisama sa lahat ng miyembro ng PPC. Hindi naging madali para sa akin na i-please ang lahat sapagkat may iba’t-ibang personalidad ang bawat isa. Tanda ko pa nga na noong una akong dumalo ng meeting ay may nagtanong, “Sino siya”? Sa bawat araw ng paglilingkod ko sa parokya, sari-sari at iba’t-iba ang mga nakakasalamuha ko. Hanggang sa ngayon ay patuloy kong natututunang maki-ayon at makisama sapagkat ito ang nararapat. - Leslie Mendezabal, Former MSK Coordinator

BALITANG PAROKYA



Gift-giving ng parokya, idinaos
Noong 31 Disyembre 2010, ginanap sa simbahan ang taunang gift-giving para sa mga kapus-palad na parokyano ng Resureksyon.
Sinimulan ang nasabing aktibidad sa Misa ng Pasasalamat na pinamunuan ni Fr. Ronald. Ito ay dinaluhan ng 340 pamilya na siya ring hinandugan ng mga regalo na naglalaman ng bigas, at mga sangkap ng spaghetti at fruit salad.
Ang mga ipinamigay ay dahil sa kagandahang-loob ng mga residente ng Paltok. - Joy V. dela Cruz



Medical-Dental Mission sa ROLP ginanap
Tagumpay ang idinaos na Medical-Dental mission sa ating parokya noong nakaraang 14 Nobyembre 2010. Ito ay naisakatuparan dahil na rin sa pagsisikap ng ating kura paroko na si Fr. Ronald, Social Services and Development Ministry at Munting Simbahang Kapitbahayan (MSK) sa pakikipagtulungan ng St. Mary’s College, Quezon City, Tanglaw Center, at Quezon City Dental Society.
Libreng konsulta, pagpapabunot ng ngipin, at gamot ang inihandog na serbisyo ng nasabing gawain. At sa tulong ng ating mga kaparokyang doctor na sina sina Dra. Ugalde at Dra. Guevarra, ay nakapagbigay tayo ng libreng H1N1 vaccine para sa 50 Senior Citizens ng Paltok. Umabot din sa halos 450 tao ang nakinabang sa proyektong ito. - Irene S. Montero


Bagong opisyal ng Brgy. Paltok, nagdaos ng misang pasasalamat
BAGO SIMULAN ng mga bagong halal na lingkod ng Barangay Paltok ang kanilang serbisyong pampubliko, isang misa ng pasasalamat ang idinaos sa ROLP noong Nobyembre 28.
Pinamunuan ni Fr. Ronald Macale, kura paroko, ang naturang misa para sa mga bagong opisyal ng barangay na sina Barangay Captain Edgardo Paragua Jr. at mga Kagawad na sina Dennis Dasalla, Edgardo Zamora, Julie Floresca, Andresito Reyes, Leoncio Kuizon, Eduardo Donasco at Ernie Valdez.
Bago matapos ang misa, binigyan din ng Certificate of Appreciation sina dating Kapitan Alfredo Anos Jr. at SK Chairman Nico Villena para sa kanilang pamumuno sa barangay sa loob ng tatlong taon.
Naganap sa barangay hall ang pormal na panunumpa nila sa kanilang tungkulin noong 4 Disyembre 2010.- Jordeene Sheex B. Lagare

EDITORYAL

Punong-Lingkod ni Kristo


Ano ba ang pagkakakilala natin sa isang pinuno?
Hindi ba’t kailangang siya ay may kakayahang magpakilos ng mga tao at determinadong magdesisyon? Kinakailangan ding kilala niya ang mga taong kanyang pinamumunuan at alam ang kani-kanilang mga kakayahan. Importante ring nalalaman nito ang mga karapatang pantao, at nararapat na siya ay marunong makinig at makibahagi sa kanyang mga nasasakupan.

Ngunit sa mga simbahan, lalo na sa ating parokya, masasalamin ang mga karagdagang kaalaman tungkol sa pagkakaunawa at inaasahan natin sa isang pinuno. Siya ay kinakailangang mamuhay nang simple upang mapagyaman ang buhay ng nakararami. Marapat na kalimutan niya muna ang kanyang sarili para sa kapakanan ng iba. Kailangang mabatid niya ang mga pangarap at pangangailangan ng isang parokya. Tularan niya ang ating Panginoong Hesus na bagama’t anak ng Diyos ay nanahan sa atin at hindi namuhay nang marangya; isinilang sa sabsaban at naging huwaran ng pagpapakumbaba. Ipinakita niya ang pagpapakababa, na kahit hindi matumbasan ng ating mga pinuno, magsilbing gabay man lamang nila sa kanilang pamamahala.

Sa ating komunidad, maging sa simbahan o sa barangay, marami ang mga namumuno. Inaasahang sila ay maging mga pinunong mapagkumbaba at makatao—mga punong-lingkod na sumusunod sa magandang halimbawa ni Kristo.

Kilalanin at Alalahanin Natin


Pusong Walang Kasing Wagas:
Bro. Lito dela Cruz (1954–2010)


Ating kilalanin si Bro. Luisito “Lito” dela Cruz na minsan dumaan at namalagi sa ating parokya at nag-iwan ng makabuluhang bakas. Ipinanganak sa Paltok si Bro. Lito noong ika-4 ng Oktubre 1954. Taos-puso siyang nagsilbi sa ating parokya sa loob ng kanyang pagiging kasapi, mula 1988–2010, sa Marriage Encounter (ME) Prayer Community una bilang miyembro, tapos Head Servant, at sa huli’y kabilang sa Council of Elders. Naging isang lay minister din siya noong 2005. Habang subsob sa trabaho niya bilang sales rep sa Noche Chan, nagbuhos din siya ng panahon sa pagtulong sa “Day Care Center,” pagbigay ng dugo sa Red Cross, at pagbihis ala Sta. Claus tuwing Pasko upang mamigay ng mga regalo sa mga maralitang kabataan.
Mula noong 1988 nagsimula ang kanyang kalbaryo sa sakit na diabetes, na humantong sa pagkakaputol ng isang binti. Sa kabila ng diabetes at mga kumplikasyon nito, ibinuhos niya ang buo niyang lakas sa paglingkod sa simbahan. Tunay siyang naging haligi ng parokya, at namuno sa pamamagitan ng pagiging huwaran mismo ng kasipagan, kababaang-loob. Pumanaw siya noong 21 Setyembre 2010 sa edad na 56. Saksi ang ilang mga mahahalagang tao sa buhay ni Bro. Lito, na aking nakapanayam, sa pag-alay niya ng kanyang pusong walang kasing wagas. Narito ang ilang sa mga ikinuwento nila mismo:

Marina dela Cruz, maybahay, kasapi sa ME at Ministry of Lectors and Commentators. Mag-asawa kami sa loob ng 38 na taon. Maalalahanin siya, mapagkalinga, at totoo. Masayahin at mahusay makihalubilo sa iba’t ibang tao. Bukas siya kahit na sa pag-amin niya ng kanyang mga kahinaan. Sabay kami laging dumalo at makilahok sa mga seminar at prayer meeting ng ME. Simula noong 2000, magkasama kaming nagbigay ng mga panayam sa ME sa ROLP at mga ibang lugar gaya ng Antipolo, Taytay, at Tagaytay. Kapag hindi kami nagkakauunawaan, nag-uusap kami nang masinsinan o kaya’y dinadaan niya sa mga liham-pag-ibig, na hanggang ngayo’y itinatago ko pa. Marami akong natuklasan tungkol sa aking sarili dahil sa mga naipamulat niya sa akin. Kung dati lagi ako mahiyain, natuto akong humarap sa tao at magbigay din ng panayam. Bagama’t hindi naging perpekto ang aming buhay-mag-asawa, hindi siya nagkulang sa pagpatibay ng aming pagsasama, pagtaguyod ng aming mga anak na sina Marie at Louie, at pati pag-aalaga sa mga apo naming sina Timothy, Christian, Louise France, at Geraldine. Kahit noong lumubha ang kanyang mga sakit, at naghirap siya dito sa loob ng halos 23 na taon, hindi niya sinumbatan ang Diyos. Sa halip lalo pang tumaimtim ang pananalig niya sa Diyos.

Marie dela Cruz, panganay na anak. Pinalaki niya kami nang maayos, upang maging masipag at disiplinado. Sinigurado niyang makapagtapos kaming pareho ng kapatid ko. Napaka “hands-on” niya. Pagkagising sa amin tuwing umaga, bago pa sumikat ang araw, agad na niya kaming pinaglilinis, pinagdidilig ng mga halaman, atbp. Lagi niya kaming tinutulungan sa aming mga gawaing pampaaralan, sa pagluluto, pagkukumpuni ng mga nasirang laruan, paggawa ng science project, pati pagbalot ng mga regalo tuwing Pasko. Kapag hindi sila makauwi ni Nanay dahil nagbibigay sila ng mga ME seminar sa malalayong lugar, tatawag siya para tiyaking nakakain na kami’t ligtas sa panganib. Matulungin siya sa mga kaibigan niya’t mga anak nila. Binibigyan niya ang mga batang kahit hindi niya kaanu-ano ng perang pambaon at gamit sa iskul mula sa kaunting perang naipon niya sa kanyang alkansya. Kapag may pumupunta sa bahay para humingi ng payo, kahit na gabing-gabi na, pilit pa niyang ihahanda ang kanyang binti’t sapatos at bababa mula sa ika-2 palapag ng bahay para kausapin niya.

Louie de la Cruz, bunsong anak. Batang-bata pa lang ako iminulat na niya ako sa halaga ng paglilingkod sa simbahan nang pinasali niya ako bilang isa sa mga “altar servers” noong kura paroko si Fr. Merin. Masipag siyang maghanap-buhay. Idolo ko si Tatay sa buhay ko, lalo na sa istilo ng pananamit at paraan niya ng pakikihalubilo sa iba’t ibang tao.

Edgardo Zamora, kapwa-ME, Kagawad ng Barangay Paltok. Malaki ang naitulong ni Lito sa pagpapalapit niya sa akin sa simbahan sa pamamagitan ng kanyang pagpapastol (shepherding). Nang di na ako gaanong makasipot saME prayer meeting, hinikayat niya akong maging aktibo uli sa ME. Ibang klase din siyang manghikayat: matiyaga sa pagpapaalala. Sumama siya sa aming inuman tuwing Lunes at Miyerkules sa kondisyong sasama naman ako sa kanya sa prayer meeting ng ME tuwing Huwebes. Susunduin pa niya ako sa bahay para sabay kaming pumunta sa simbahan. Kapag wala ako sa prayer meeting, kinabukasan tatanungin niya ako kung bakit. Pagkaraan ng halus isang taon ng ganyang sistema, ako ang nahikayat niyang maging aktibo uli sa ME at magsimba, sa halip na siya ang malulon sa inuman. Dahil maka-Diyos siya, mataas ang tingin at paggalang sa kanya ng mga taga ME at noong kasapi siya sa Lupong Tagapamayapa ng Barangay.

Rom Garcia, kaibigan. Magkakilala kami ni Lito mula pa noong pareho kaming nasa Grade 1; para na kaming magkapatid. Siya ang tumulong sa aking makapasok sa trabaho bilang ahente sa isang kumpanyang nagbebenta ng mga damit at laruan. Pagkatapos niya akong ipakilala sa may-ari ng kumpanya, hindi siya nagpakita sa akin ng ilang araw. Akala ko pinabayaan na niya ako. Pero anya, “iniwan na kita para mag-isa mong matutunan ang mga pasikut-sikot ng trabaho, nang sa huli’y maipagmalaki mo na nagawa mo yung mag-isa at di dahil sa tulong ng kaibigan mo.” Hindi lagi nagkapareho ang aming mga pananaw sa buhay at pananampalataya. Hindi niya ako pinilit na sumali sa ME at magsimba. Naintindihan niya na iba’t iba naman ang paraan natin ng pananampalataya. Ganoon pa man, hindi pa rin niya ako pinabayaan. Kahit nung maysakit siya, hindi siya nagmaramot. Duda akong magkakaroon pa ako ng isang kaibigang katulad niya.

May awit sa misa na paborito daw banggitin ni Bro. Lito sa kanyang mga panayam, ang “Pag-aalay ng Puso” nina Joe Nero at Nemy Que, S.J. Ang mga sumusunod na titik nito ay higit na naglalarawan ng kanyang maikli nguni’t makahulugang buhay:
Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito,
Kaya anuman ang mabuting maa’ring gawin ko ngayon,
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama
Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ‘to.

Sa lahat ng mga tumawag sa kanya bilang “Tatay,” “Kuya,” “Pareng,” o “Tito” Lito—mga kabataang tinuruan niyang lumaki sa mabuting asal, mga mag-asawang pinayuhan niya upang magkasundo muli, mga naghihikahos na binahaginan niya ng biyaya—naging wagas si Bro. Lito sa kabutihang kanyang ipinadama, sa abot ng kanyang lakas, sa kabila ng paghihina ng kanyang katawan.

Tunay ngang isang napakagandang handog ng Diyos si Bro. Lito sa kanyang pamilya, sa ROLP, sa Paltok, at sa daigdig. Hindi sapat ang naisulat dito para mailahad ang yaman ng kanyang pagkatao, ang lalim ng kanyang pananampalataya, at ang layo ng inabot ng kanyang kagandahang loob. Bro. Lito, saan ka man naroroon, hindi ka namin kailanman malilimutan. - ni Angelli F. Tugado

Ang Ikaapat na Pantas

Hindi nawawala ang tatlong hari na dumalaw sa kapanganakan ni Hesus tuwing sasapit ang kapaskuhan. Sa panahong ito, idini-display ang mga manikang dekorasyon ng tatlong pantas at ikinukuwento ang kanilang paglalakbay upang masilayan ang isisilang na Mesias. Ngunit alam ba ninyo na kasabay ng kanilang mahabang paglalakbay ay may isa pang pantas na nagtangkang marating ang munting sabsaban?

Hango ito sa klasikong kwento ni Henry Van Dyke, ang may akda ng “The Story of the Other Wise Man”.
Si Artaban, isang Zoroastrian, ay nanirahan sa mga bundok ng Persia na ngayon ay Iran. Tulad ng tatlo pang pantas, puspusan ang kanyang paghahandang ginawa sa pinakahihintay na pagdating tangan ang sapiro, rubi at perlas – ang tatlong alahas na siyang ihahandog niya sa Mesias.

Sa kanyang paglalakad patungo sa kinaroroonan ng iba pang pantas, nasalubong ni Artaban ang isang duguang lalaking nagmamakaawa sa kanyang tulong. Dali-dali niya itong tinulungan subalit nang lingunin niyang muli ang ibang pantas, wala na ang mga ito. Dahil dito, napilitang ipagbenta ni Artaban ang sapiro upang makabili ng mga kamelyo para sa kanyang lakbayin.
Narating ni Artaban ang Betlehem ngunit kasabay nito sinasabing dumating din sa bayan ang mga kawal na noo’y pumapaslang sa mga batang lalaki. Nang mapansin niya ang isang tahanang pinalilibutan ng mga kawal, buong tapang niyang pinaniwala sila na siya ang nakatira sa bahay na yaon at saka iniabot ang rubi upang sila’y tuluyang lumisan na. Pati ang perlas na tanging natira sa kanyang mga regalo ay naibigay na rin ni Artaban sa kanyang mga nakasalubong na pawang mga nangangailangan.
Sa kabuuan, inabot ng 33 taon si Artaban sa paghahanap sa Mesias, at kakambal nito ang walang pag-aalinlangan niyang pagtulong sa kanyang mga nakasalamuha. Sa mga bundok at hindi na sa munting sabsaban nasilayan ni Artaban ang anak ng hari na pinangalanang Hesus. Lumuluha at duguan na ang Mesias nang abutan niya ito dahil sa mga pakong nakabaon sa kanyang palad at mga paa.

Labis ang pagsisisi at kalungkutang naramdaman ni Artaban sa katotohanang tumambad sa kanyang harapan. Ngunit, alam ni Artaban sa kanyang sarili na tulad ni Hesus, hindi na rin siya magtatagal matapos ang kanyang napakahabang paglalakbay. Si Hesus at si Artaban ay kapwa papalapit na sa kanilang huling hininga nang pumukaw sa puso ni Artaban ang isang boses. Ito ang tinig ni Hesus na nagpasalamat at sinabi kay Artaban na siya ang may pinakamagandang naihandog na regalo. Hindi man niya naibigay ang kanyang mga materyal na pinaghandaan, gamit ang kanyang mabuting puso, naihandog naman niya sa Panginoon ang kanyang regalo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang klasikong istoryang ito ng Ikaapat na Pantas ay gawa ng malikhaing imahinasyon ni Henry Van Dyke. Bagamat kathang-isip lamang ang kwento ni Artaban, maiuugnay pa rin natin ang kanyang makulay na karanasan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ilang beses na nga ba natin napagbigyan ang mga nagmamakaawang bata’t matatanda na nakakasalubong natin sa isang abalang lansangan? O sa madaling salita, kailan nga ba tayo nakatulong nang taos-puso sa mga kapos at nagdarahop?
Hindi mahalaga ang pangalan o posisyon, ni ang taglay na ka­yamanan. Maging ang pagkabigo at mga suliranin ay ‘di rin napapansin, kung ang hiwaga ng isang ma­buti at maa­waing puso ang siyang maghahari. - Christine Ann R. Amante