ni Jordeene Sheex Lagare
Apat na buwan mula nang ito’y inilunsad, mahigit-kumulang P350,000 na ang nailikom mula sa fundraising activity na ‘Sang Dosena sa ‘Sang Taon.
Sa ngayon, nasa 63 ang bilang ng mga indibidwal at grupo, mula sa loob at labas ng simbahan, ang nakikibahagi sa naturang fundraising.
Tuwing huling Linggo ng buwan sa lahat ng misa, ipinagbibigay-alam sa lahat ang kabuuang halaga ng perang nalikom. Ang pera ay gagamitin sa mga sumusunod: espiritwal na mga gawain, stewardship, pagpapanatili ng ating parokya, pangangalaga ng mga pasilidad sa parokya, at mga gastusin sa pamamahala ng ating simbahan.
Lubos na nagpapasalamat ang ating kura paroko at ang buong Parish Pastoral Council sa lahat ng naki-isa, nakiki-isa, at makiki-isa sa layuning ito ng parokya.
Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng ating parokya; kay Via Tanglao, Parish Pastoral Council Coordinator; kay Dollie Basa, Finance Committee Coordinator; o sa mga kawan leaders.
Tuesday, September 9, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment