Tuesday, June 2, 2009

Dear Father,

Kasalanan po ba ang hindi magfasting and abstinence?

-Jena, 10 yrs. old & Gracia, 14 years old



Jena and Gracia,

Ang mga taong nais mag-fasting o abstinence ay may age bracket mula 16-60 taong gulang maliban sa mga maysakit, buntis at matanda na. Kung hindi kayo sakop ng age bracket, maaari ring hindi ito gawin. Ngunit hinihikayat din ang mga batang tulad ninyo na gawin ang mga ito kahit wala pa kayo sa tamang edad.

Isinasagawa ito ng mga mananampalatayang Katolikong tulad natin tuwing Ash Wednesday at Good Friday upang madisiplina ang sarili. Kapag nagawa ito, mas makakayanan nating iwasan ang mga maling gawain dahil nagtagumpay tayong disiplinahin ang sarili. Ito rin ay pagkontrol sa sarili sa paggawa ng mga kasalanan. At pamamaraan ito upang mas mapalapit tayo sa Panginoon.

Fr. Ronald


*Ang DEAR FATHER ay magiging isang regular na kolum ng Sinag Resureksyon. Kung may nais itanong kay Fr. Ronald tungkol sa pananampalatayang Katoliko, maaaring mag-email ng katanungan sa rolp.mace@gmail.com o maaari ring i-post sa ROLP website o ihulog sa kahon na nasa labas ng simbahan na may label na DEAR FATHER.

2 comments:

Anonymous said...

Hello TO all www.blogger.com members,
I just wanted to introduce myself to all of you and say that I am extremely happy to be a new member here[url=http://casubmityournews.info/bookmarks].[/url] I have been enjoying the conversations here for some time and look forward to participating now[url=http://inspiringthoughtstr.info/].[/url][url=http://learnnewthingsty.info/].[/url]

Glad to be a part of the community[url=http://haceleberitygossip.info/forum].[/url][url=http://coolnewideasmb.info/forum].[/url]

Anonymous said...

It is my first post here, so I would like to say hallo to all of you! It is definitely amusement to be adjacent to your community!