Friday, December 4, 2009

Organization: Legion of Mary

Ang Legion of Mary ay isang kapisanan ng mga Katoliko na
sa pahintulot ng Simbahan at sa malakas na pamumuno ni Mariang
Kalinis-linisan, tagapamagitan ng lahat ng biyaya. Itinatag noong
7 Setyembre 1921 ni Frank Duff, tumutulong ang mga miyembro
ng kapisanang ito sa kanilang Kura Paroko sa pagtupad ng mga
ispiritwal na gawain sa parokya.

Apat na tungkulin ang dapat tandaan ng mga kasapi ng Legion at
ito ay ang mga sumusunod:
1. Palagiang pagdalo sa lingguhang pulong.
2. Pagdarasal ng Catena Legionis (Awit ni Maria) araw-araw.
3. Pagtupad ng iniatas na apostoladong gawain.
4. Paglilihim ng mga bagay na napag-usapan sa pulong.
Kilala ang mga Lehionaryo sa gawain ng paglilipat ng birhen sa
kapitbahayan (Block Rosary) at home visitation. Sa gawaing ito
iniuugnay ang iba pang mga gawain ng Legion tulad ng mga
sumusunod:
a. campaign for sacraments (mass, wedding,
baptism, confirmation)
b. Wake and Funeral Visitation
c. Sick Visitation
d. R ecruitment and Follow-up
e. Social Action
“Ang layunin ng Legion of Mary ay ang kaluwalhatian ng Diyos
at kabanalan ng mga kasapi sa pamamagitan ng panalangin at
pakikiisa sa gawain ni Maria at ng Simbahang Katolika na durugin
ang ulo ng ahas at palaganapin ang kaharian ni Kristo sa ilalim
ng pamamatnugot ng pamunuan ng Simbahan.” (hango sa Legion
Handbook sa wikang Filipino, kab. 2, p. 13 )
Nilalayon din ng mga Lehionaryo na ipalaganap ang debosyon
kay Maria sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa lahat na magdasal
ng Santo Rosaryo araw-araw at pagsasagawa ng gawain katulong
ng Kura Paroko sa kanyang Parokya.

ni Rhea Jomadiao

No comments: