Punong-Lingkod ni Kristo
Ano ba ang pagkakakilala natin sa isang pinuno?
Hindi ba’t kailangang siya ay may kakayahang magpakilos ng mga tao at determinadong magdesisyon? Kinakailangan ding kilala niya ang mga taong kanyang pinamumunuan at alam ang kani-kanilang mga kakayahan. Importante ring nalalaman nito ang mga karapatang pantao, at nararapat na siya ay marunong makinig at makibahagi sa kanyang mga nasasakupan.
Ngunit sa mga simbahan, lalo na sa ating parokya, masasalamin ang mga karagdagang kaalaman tungkol sa pagkakaunawa at inaasahan natin sa isang pinuno. Siya ay kinakailangang mamuhay nang simple upang mapagyaman ang buhay ng nakararami. Marapat na kalimutan niya muna ang kanyang sarili para sa kapakanan ng iba. Kailangang mabatid niya ang mga pangarap at pangangailangan ng isang parokya. Tularan niya ang ating Panginoong Hesus na bagama’t anak ng Diyos ay nanahan sa atin at hindi namuhay nang marangya; isinilang sa sabsaban at naging huwaran ng pagpapakumbaba. Ipinakita niya ang pagpapakababa, na kahit hindi matumbasan ng ating mga pinuno, magsilbing gabay man lamang nila sa kanilang pamamahala.
Sa ating komunidad, maging sa simbahan o sa barangay, marami ang mga namumuno. Inaasahang sila ay maging mga pinunong mapagkumbaba at makatao—mga punong-lingkod na sumusunod sa magandang halimbawa ni Kristo.
Tuesday, January 11, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment