Thursday, November 8, 2007

The Recyclable Show

Isang maganda at matagumpay na fashion show ang naganap noong Setyembre 16 sa Quezon City Performing Arts Theater na pinamagatang "The Recyclable Show". Ito ay isang fundraising activity para sa pagpapatayo ng patio ng ating simbahan.


Itinampok dito ang mga sari-saring kasuotang gawa sa recyclable materials tulad ng mga kubyertos na gawa sa plastik, paper plate, straw at compact disc. Ngunit may malaking bahagi rin ng programa na nagtuon ng pansin tungkol sa kahalagahan sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang tagumpay ng programang ito ay naisakatuparan sa pamumuno ng Mother Butler Guild (MBG), at sa tulong ng mga kabataan at mga magulang ng
Infant Jesus Learning Academy at sa lahat ng mga nanood.

ni Angeline Papa

No comments: