Alona Jane
Member, Legion of Mary
Dear Alona Jane,
Mabuti at naitanong mo kung bakit tayo nagdarasal sa mga santo. Ngaunit nais muna kitang tanungin: Mayroon ba kayong imahen ng santo sa inyong bahay? Sinong santo siya?
Alam mo Alona Jane, sa aking kwarto at sa aking opisina ay marami akong imahen ng mga santo. Halos lahat ay bigay lamang sa akin. Gusto ko lagi silang nakikita, katabi at kasama saan man ako madestino.
Tayo kasing mga Pilipino ay mayroong debosyon sa mga santo. Marami rin sa atin ang mayroong paboritong santo. Ang paborito kong santo simula pa noong ako ay high school seminarian ay si St. John Maria Vianney, Patron Saint of Priests.
Ang mga santo ay namuhay nang mabuti at banal. Ngunit hindi rin naging madali ang maging banal. Dumaan din sila sa maraming pagsubok. Kaya mainam na magdasal tayo sa mga santo sapagkat naranasan nila ang iba’t-ibang hirap at nagsakripisyo sa buhay. Ang iba pa sa kanila ay nagging martir para sa ating pananampalataya.
Sila ay nasa langit na. Tutulong sila sa pagdarasal para sa atin. Ito ay maliwanag sa ating pang-unawa bilang mga katoliko. Hindi sila sinasamba o ginagawang diyus-diyosan. Halimbawa at modelo sila sa pamumuhay kristiyano.
Alona Jane, sana ay nasagot ko ang iyong katanungan. Lagi ka sanang magdasal sa mga santo. Siguradong ilalapit ka nila sa ating Panginoong Hesukristo.
May the saints pray for you and may God bless you always.
Fr. Ronald
No comments:
Post a Comment