nina Reginald B. Pawang at Jordeene Sheex B. Lagare
Ang bibliarasal o Biblia-aral-dasal-asal ay ang pag-aaral at paggunita sa nilalaman ng Biblia at ang implikasyon nito sa buhay ng bawat isa. Sa madaling salita, pagsasabuhay ito ng diwa ng banal na kasulatan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Kasama sa 5-point priority agenda ng Diocese of Cubao ang pagpapalakas ng Basic Ecclesiastical Community (BEC) kaya nais ni Fr. Ronald na may bibliarasal sa bawat kawan. Layunin nito na mapalapit ang tao sa Panginoon at makilala Siya nang lubusan, at maiangat ang espiritwalidad ng tao.
Kaugnay nito, pormal na kinumisyunan ni Fr. Ronald ang 19 na facilitators at 24 na assistant facilitators sa Bibliarasal ng ating parokya noong Agosto 31, 2008. Ang isang bukluran ay binubuo ng isang facilitator, isang asst. facilitator, at mula anim hanggang walong kalahok. Sinisumulan ito sa pamamagitan ng panimulang panalangin na pinangungunahan ng isang facilitator at sinusundan ng pag-awit at pagbasa ng Mabuting Balita para sa linggong iyon. Pagkatapos ay may ilang mga katanungan na magmumula sa ibinasang Mabuting Balita na siyang sasagutin ng mga kasali rito base sa kani-kanilang karanasan sa buhay. Nang simulan ito sa Kawan 2, nahirapang manghikayat ng mga mga kaibigan na lang ang inaya. Marami ring inaya ngunit kakaunti lamang ang tumugon sa paanyaya dahil ang iba sa kanila’y hindi pa handa para dito. Sa unang pagtitipon sa naturang kawan, sinabihan ang mga kalahok na nasa kanila iyon kung nais nilang sagutin ang mga katangunan mula sa aklat o hindi. Nakagugulat na lahat sila ay naki-isa sa talakayan. “Bakit? Akala ko ba hindi ka magsasalita,” tinanong sa isang kalahok matapos nito. “Bakit ikaw, daldal ka ng daldal,” tugon naman niya. Napatawa na lang at naisip na ang mga naging sagot nila ay may basbas ng Espiritu Santo.
Sa ngayon, anim hanggang walo ang ang nakadadalo. Paiba-iba rin ang araw at lugar ng pinagdaraos base ito sa libreng oras ng mga miyembro at facilitators.
Sa ngayon, walong bukluran na ang nagsasagawa nito. Ito ay ang Kawan 2 (East Riverside (Pitong-Gatang)), Kawan 3 (Basa-Aragon), Kawan 4 (Ilagan-Mendoza), Kawan 6 (Holy Eucharist Chapel), Kawan 7 (Anakbayan-Aragon), Kawan 8 (Natividad), Kawan 9 (Natividad (Kundiman-Guevarra)), at Kawan 9 (Natividad-Guevarra).
Ayon kay Leslie Mendezabal, coordinator ng Munting Simbahang Kapitbahayan (MSK), hindi hadlang ang di pagtutugma ng libreng oras at kalayuan ng mga facilitators sa kawang pagdadausan nito sa pagtatagumpay ng bibliarasal. Inaasahan din niya ang pakikilahok ng marami pang miyembro ng bawat kawan sa gawaing ito.
Wednesday, March 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment