Wednesday, March 4, 2009

Bigasan ng Parokya


ni Angeline D. Papa

Tuwing Biyernes at Sabado nang umaga, mula 8:00 hanggang 11:00, marahil ay napapansin ninyong maraming pumipila at bumibili ng bigas sa ating parokya sa halagang P18.25 bawat kilo.
Dahil ito sa Bigasan sa Parokya, isang proyekto sa ilalim ng Social Services and Development Ministry (SSDM), bilang pakikiisa ng simbahan sa pagbebenta ng murang bigas, bilang serbisyo sa mga maralitang taga-Paltok.

Ang Bigasan Coordinator na si Sis. Cora Dizon ang namamahala sa pagbebenta ng murang bigas, sa tulong ng mga pili niyang volunteers. Sila ay may mga kaukulang dokumento tulad ng rice allocation card, NFA rice receipts, delivery receipts, Family Access Cards (FAC), listahan ng mga beneficiaries at buwanang financial report na binibigay sa kura paroko.

Ang mga Bigasan ng Parokya ay sa ilalim ng opisina ng Religious Affairs of MalacaƱang at ng pamamahala ng Diocese of Cubao SSDM Office at ang pondong ginagamit para dito ay galing sa gobyerno.Ang isang parokya ay nakatatanggap ng mula 17 – 40 na kaban ng bigas sa pamamagitan ng tseke o bigas ng NFA. Ang Resurrection of Our Lord Parish ay unang nabigyan ng 40 kaban noong 28 Agosto 2008. Ang pagbebenta ng bigas ay isinasagawa dalawang beses sa isang lingo (tuwing Biyernes at Sabado) sa kahit sinuman. Hanggang limang kilo ng bigas lamang ang maaaring bilhin ng isang pamilya kada araw. Hanggang sampung kilong bigas ang pwedeng bilhin ng isang pamilya sa isang linggo at 14 naman para sa mga may hawak na FAC. Ang maaaring bumili ng bigas ay mga taong may access card o sa halip nila, ang alinman sa mga sumusunod: ang kanilang asawa, anak na may edad 18 pataas, o mga anak na walang pang 18 na may kasamang matanda.

Bukod sa mga social service programs, tumutugon din ang SSDM sa iba pang mga programa ng simbahan para sa ikauunlad ng komunidad.

No comments: