ni Jordeene Sheex B. Lagare
Sisimulan na ang konstruksyon ng entabladong paitaas ng Patio Resurrección upang dito na ganapin ang lahat ng mga pagtatanghal at gawaing pangsimbahan tulad ng Salubong sa Pasko ng Pagkabuhay at ang koronasyon ng Reyna Resureksyon 2009 sa Abril 12.
Manggagaling ang pondo mula sa natapos na fundraising project ng simbahan na pinamagatang “Sa Handog mong ‘sanlibo, Buo ang Entablado” na isinagawa mula ika-30 ng Nob. 2008 hanggang ika-25 ng Enero 2009. Nakalikom ang proyektong ito ng P302,320.00.
Naunang gawin ang sahig ng patio mula Agosto 20 hanggang Oktubre11 ng nakaraang taon sa ilalim ng gabay ni Engr. Marigor. Nang matapos ito, dito unang ginanap ang Blessing of Pets noong Oktubre 1 at Halloween Dance Party Showdown noong Nobyembre 1. Nanggaling ang pondo ng paggagawa ng sahig mula sa Reyna Resureksyon 2008 at mga donasyon ng iba’t ibang indibidwal.
Ang pagpapagawa ng Patio Resurrección ay bahagi ng beautification at improvement project ng Resurrection of Our Lord Parish.
Nagpapasalamat ang ating kura paroko sa lahat ng mga nagbigay ng kanilang tulong para maitayo ang naturang patio. Para sa mga nais tumulong o sumuporta sa mga proyekto ng simbahan, magsadya lamang sa Parish Office para sa karagdagang impormasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment