Thursday, August 9, 2007

Birthday ko, Sayaw naman tayo!

Naging makabuluhan at masaya ang nakaraang pagdiriwang ng kaarawan ng aming pinakamamahal na kura-paroko na si Fr. Ronald Macale noong ika-22 ng Hunyo, 2007 na ginanap sa Kowloon House, West Avenue, Quezon City sa ganap na 8:00 ng gabi. Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan, kamag-anak, at mga nagmamahal kay Fr. Ronald. Naroroon din ang kaniyang pinakamamahal na ina na si Nanay Ading, ang kaniyang mga kapwa pari na sina Fr. Totit Vita, Fr. Rey Mission, Fr. Louie Caupayan, Fr. Ezer Navarro at Fr.Teody Taneo. May mga bisita rin galing sa dating parokya na kung saan naging dating kura paroko si Fr. Ronald, sila ay nagmula sa Parish of the Lord of Divine Mercy at ang Sto. Cristo de Bungad, kung saan kasalukuyan ding kura paroko si Fr. Ronald.

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa isang mensahe ng pasasalamat ni Fr. Ronald sa lahat ng nagsipaghanda at nagsipagdalo sa kaniyang kaarawan. Pagkatapos, ay sinimulan ng pagsasayawan ng mga panauhing pandangal at mga nagsipagdalo.

Ilan sa mga nagpakitang-gilas din sa pagsasayaw ay ang mga organisasyong MBG, CWL at ME na naghanda ng kanilang mga sayaw, na lubos na nagbigay ng kasiyahan sa mga nagsipagdalo.

Sa pangalawang bahagi ng programa ay mga inihandang video presentation ng grupong MACE sa pangunguna nina Joy dela Cruz at Maui Salang. Ang naturang presentation ay ang mga mainit na pagbati at pasasalamat ng mga malapit na tao kay Fr. Ronald at mga larawan niya mula pagkabata hanggang sa siya ay maging pari. Nagbigay din ng kasiyahan sa naturang pagdiriwang ang pamimigay ng iba’t ibang papremyo sa mga nagsipagdalo.

Ang gabing iyon ay natapos na naging makulay at lubhang kasiya-siya sa walang humpay na sayawan at indakan ng mga taong nagsipagdalo, na nagbigay ng kasiyahan sa pinakamahalagang araw para sa aming kura-paroko.

Ang kaarawang ding iyon ni Fr. Ronald Macale ay isa ring paraan upang siya ay pasalamatan sa kaniyang pagsisikap para sa ikauunlad ng parokya.

Ang nalikom na salapi sa naturang pagdiriwang ay mapupunta sa Parish Construction Fund.

Ito ang ilan sa mga larawan nung kaarawan ni Fr. Ronald:




===
by Rheciel Belen

No comments: