Showing posts with label ROLP. Show all posts
Showing posts with label ROLP. Show all posts

Tuesday, January 11, 2011

Ang Ikaapat na Pantas

Hindi nawawala ang tatlong hari na dumalaw sa kapanganakan ni Hesus tuwing sasapit ang kapaskuhan. Sa panahong ito, idini-display ang mga manikang dekorasyon ng tatlong pantas at ikinukuwento ang kanilang paglalakbay upang masilayan ang isisilang na Mesias. Ngunit alam ba ninyo na kasabay ng kanilang mahabang paglalakbay ay may isa pang pantas na nagtangkang marating ang munting sabsaban?

Hango ito sa klasikong kwento ni Henry Van Dyke, ang may akda ng “The Story of the Other Wise Man”.
Si Artaban, isang Zoroastrian, ay nanirahan sa mga bundok ng Persia na ngayon ay Iran. Tulad ng tatlo pang pantas, puspusan ang kanyang paghahandang ginawa sa pinakahihintay na pagdating tangan ang sapiro, rubi at perlas – ang tatlong alahas na siyang ihahandog niya sa Mesias.

Sa kanyang paglalakad patungo sa kinaroroonan ng iba pang pantas, nasalubong ni Artaban ang isang duguang lalaking nagmamakaawa sa kanyang tulong. Dali-dali niya itong tinulungan subalit nang lingunin niyang muli ang ibang pantas, wala na ang mga ito. Dahil dito, napilitang ipagbenta ni Artaban ang sapiro upang makabili ng mga kamelyo para sa kanyang lakbayin.
Narating ni Artaban ang Betlehem ngunit kasabay nito sinasabing dumating din sa bayan ang mga kawal na noo’y pumapaslang sa mga batang lalaki. Nang mapansin niya ang isang tahanang pinalilibutan ng mga kawal, buong tapang niyang pinaniwala sila na siya ang nakatira sa bahay na yaon at saka iniabot ang rubi upang sila’y tuluyang lumisan na. Pati ang perlas na tanging natira sa kanyang mga regalo ay naibigay na rin ni Artaban sa kanyang mga nakasalubong na pawang mga nangangailangan.
Sa kabuuan, inabot ng 33 taon si Artaban sa paghahanap sa Mesias, at kakambal nito ang walang pag-aalinlangan niyang pagtulong sa kanyang mga nakasalamuha. Sa mga bundok at hindi na sa munting sabsaban nasilayan ni Artaban ang anak ng hari na pinangalanang Hesus. Lumuluha at duguan na ang Mesias nang abutan niya ito dahil sa mga pakong nakabaon sa kanyang palad at mga paa.

Labis ang pagsisisi at kalungkutang naramdaman ni Artaban sa katotohanang tumambad sa kanyang harapan. Ngunit, alam ni Artaban sa kanyang sarili na tulad ni Hesus, hindi na rin siya magtatagal matapos ang kanyang napakahabang paglalakbay. Si Hesus at si Artaban ay kapwa papalapit na sa kanilang huling hininga nang pumukaw sa puso ni Artaban ang isang boses. Ito ang tinig ni Hesus na nagpasalamat at sinabi kay Artaban na siya ang may pinakamagandang naihandog na regalo. Hindi man niya naibigay ang kanyang mga materyal na pinaghandaan, gamit ang kanyang mabuting puso, naihandog naman niya sa Panginoon ang kanyang regalo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang klasikong istoryang ito ng Ikaapat na Pantas ay gawa ng malikhaing imahinasyon ni Henry Van Dyke. Bagamat kathang-isip lamang ang kwento ni Artaban, maiuugnay pa rin natin ang kanyang makulay na karanasan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ilang beses na nga ba natin napagbigyan ang mga nagmamakaawang bata’t matatanda na nakakasalubong natin sa isang abalang lansangan? O sa madaling salita, kailan nga ba tayo nakatulong nang taos-puso sa mga kapos at nagdarahop?
Hindi mahalaga ang pangalan o posisyon, ni ang taglay na ka­yamanan. Maging ang pagkabigo at mga suliranin ay ‘di rin napapansin, kung ang hiwaga ng isang ma­buti at maa­waing puso ang siyang maghahari. - Christine Ann R. Amante

Tuesday, June 2, 2009

43rd World Day of Communications

Tuwing Ascension Sunday ipinagdiriwang din ang World Day of Communications. At bago sumapit ang araw na ito nagpapapalabas ng mensahe ang Santo Papa ukol sa napiling tema kung saan ngayong taon ang tema ay “New Technologies, New Relationships: Promoting a Culture of Respect, Dialogue and Friendship”.

Sa panahon ngayon kailangan ng simbahan na gumamit ng bagong teknolohiya sa pagpalaganap ng Ebanghelyo upang makasagot sa matinding pangangailangan na ang tao ay dapat makarinig ng Salita ng Diyos. Kaya naman dito sa ating parokya ay mayroong Multimedia Advocates for Creative Evangelization o MACE sa kadahilanang ito. At ang mga miyembro ng MACE ay hindi dapat tumigil sa paghahanap ng paraan upang lalong mailapit sa lahat ng uri ng tao ang Ebanghelyo. At ang mensahe ng Santo Papa ay patuloy na magiging hamon sa amin para sa pagtupad ng responsiblidad na ito.

Dapat lang isaalang-alang na ang komunikasyon ay isang two-way process. Hindi lang dapat ang simbahan ang laging nagbibigay ng impormasyon. Kailangan din nitong pakinggan ang gustong sabihin ng kanyang mga parokyano. Isang paraan ng paghikayat ng pagkakaroon ng komunikasyon ay ang hayaan ang mga tao na magpahayag din ng impormasyon. Ang komunidad ay dapat may input din para sa ikatatagumpay ng isang parokya. Nagbibigay ito ng implikasyon na dapat nating respetuhin at pakinggan ang mga tao. Kaya naman hindi rin lang puro galing o talino ang kailangan sa paghahatid ng impormasyon, ngunit higit sa lahat, kailangan ang mga miyembro ng MACE ay mayroon ding gabay ng Espiritu Santo.

Ang mga sumusunod na artikulo ay ang mga opinyon at tugon ng mga kapwa ko MACE members sa hamon na hatid ng mensahe ng ating Santo Papa.

-Joy dela Cruz


It is evident that we are in the age of technology; that we are living in a digital world. In this regard, how can the Church utilize such resources to reach out and evangelize to peoples? In response to this, Pope Benedict XVI sends out a message about the 2009 World Day of Communication. The message conveys that the gifts of knowledge and information at our fingertips can be very effective ways of communicating with one another irregardless of distance, race, culture and religion. But these gifts can easily be tainted, abused and misused. That is why we, Christian believers and followers, are challenged to promote respect, dialogue and friendship; to encourage, specially the youth, to bring the witness of their faith through effective socialization in the various means of media and communication.

In response to the Pope’s challenge, (1) the Diocese of Cubao included evangelization through multimedia as part of the five-point priority agenda; and (2) our parish, the Resurrection of our Lord Parish (ROLP) have formed an organization, the Multimedia Advocates for Creative Evangelization (MACE) to cater to information technological needs. MACE is given a massive task to bring down to the community the Christian faith. For the past three years, MACE has already put into place programs that make use of technology to reach out to our community.

MACE is visible through the DLP projector operators in every Sunday mass, the frequent publication of SINAG RESUREKSYON (the parish’s official newsletter), digital capture of special events, publication of the souvenir program and sales of souvenir items and the worldwide web, www.rolppaltok.co.cc. These are just a glimpse of what technology can bring to our community, a tip of the iceberg, so to speak. But, I believe we can still strengthen this small and humble organization. I personally would highly encourage the use of the worldwide web as means of reaching out and evangelization. There must be constant updates on the website. A catechetical message or a homily related to Sunday gospels are bonus points for the website. Also, since MACE is part of the Formation Ministry, I envision scheduled film showing for children and for teenagers. A 15 to 30 minute film show with a bit of catechetical work can be an effective way teaching. These are just one or two of the many means of empowering communication and evangelization in our Paltok community. Go Amazing MACE!

–Maan Paragas


Bilang isang MACE member, ang mensahe ng ating Santo Papa ay isang hamon para sa ating lahat upang gamitin natin ang makabagong teknolohiya sa makabuluhang paraan at ito ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Nawa ay maging lakas at sandata natin ang mensahe ng ating Santo Papa upang mas dumami pa ang taong maglilingkod at sasampalataya sa Diyos. Huwag sanang gamitin ang media sa masama katulad ng pornograpiya at maling pagbabalita. Maging mensahero tayo ng ating Panginoon. Go MACERS!

-Rhea Jomadiao


N
ew technologies have caused a lot of changes in our everyday lives especially in improving communication and human relationships. Because of it, we can communicate easily and fast to our loved ones, and strengthen human relationships through e-mails, social networks, cellphone, and the like. If not for the benefits of these new technologies, we still live a life full of hassles and difficulties. Marahil walang MRT o LRT na nagpapabilis sa pagpunta natin sa iba’t ibang lugar; wala ring telepono, cellphone o internet na maaaring magamit sa pakikipag-usap sa tao; at wala ring computer, fax machine o printer na nagpapabilis at nagsasa-ayos ng mga gawain sa opisina.

This is really a great gift for humanity and we, especially those who are serving in the church, must maximize the benefits it brings to us to enlighten everyone with the Word of God. Good thing the Diocese of Cubao has included in its 5-point priority agenda utilization of media in evangelization. Way ahead of this, our parish through the leadership of Fr. Ronald created an IT group (the Multimedia Advocates for Creative Evangelization or MACE) that will explore all possible means of proclaiming the Good News to the parishioners through different high tech gadgets like DLP projector and computer.

My fellow servants of the Lord, let us help the Pope to promote a culture of respect, dialogue, and friendship to everyone most especially to the people who are in need of our help and affection. Let us share His goodness to all through the use of modern technology.

Siguro kung buhay pa si St. Paul hanggang ngayon, ang Patron Saint ng MACE, high tech na rin siya sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

-Jordeene Sheex Lagare


I must say that as a Catholic, it is very touching to hear a Christian leader addresses the benefits and challenges of responsible media.

Pope Benedict is absolutely correct in what he shared in his message. He addresses the digital generation and offers us all the ideas of how to use new technologies for the good of everybody. There are many practical benefits of the new media and technologies that the Pope gave, he points out that the digital communication ultimately reflects our fundamental human desire to relate to each other.

Pope Benedict encourages us all to be a good example to others in promoting the culture of respect, dialogue and friendship. We must always value and keep the importance of communication especially in our community nowadays.

-Kristine Joy Aquino


Back in the days when telegrams were the fastest means of sending urgent messages, words cost like gold. Telegram sentences made up of carefully chosen and counted words were separated by the trademark STOP. It didn’t take long before telegraphic transfers were taken over by pagers or beepers, then by analog cellular phone calls, then by the digital mobile phones and now by digital video phones. Who would have known then that the system of sending messages via computers, once used only in top-secret military operations, would spread rapidly to offices, schools, businesses, and homes to replace “snail mail”? Telegrams are now things of the past; we now have short messages or what we call “texts.” Nowadays, you hardly can find anyone who still refers to the “web” as the spiders’ habitat and to “surfing” as a water sport.

Indeed, the world of digital technology has enabled high-speed transmission of messages that have forged friendships, giving the very young and the young-at-heart access to information and knowledge across this whole “wired” world. It has never been easier and more convenient to maintain contacts and family ties, so important especially for Filipinos overseas. The Holy Father is right on target in saying how digital communication technology “responds to a fundamental desire of people as human beings to communicate and relate to each other.” People need to stay connected and through friendships, grow and develop as persons.

Digital communication technology also has its risks and hazards, as the Holy Father is sharp to point out. Fleeting, shallow friendships (with one click it is so easy to “add” as well as “delete” a contact) can dominate relationships marked respect, understanding and genuine care. That the technology could create an “obsession with virtual, rather than real, connectedness” is always possible. More and more young people are taking to texting and online chatting or networking like fish to water with their “almost spontaneous affinity for the new means of communication.” When they discover that distance is no excuse for not keeping in touch with friends, mobile phones become prized possessions young people can’t leave home without. The old-fashioned telephone, now dubbed as “landline,” used to pin us down to a particular place. Nowadays, people are always moving, on the go. With mobile phones, one can still connect with people even as they move. No wonder “wireless landline” phones are gaining usefulness. With the technology’s “undoubted capacity to foster contact between people,” people are no longer isolated from each other. Yet in a way, some people become isolated from real social or face-to-face interaction.

What does the Holy Father mean when he enjoins those who are well-versed with digital technology to proclaim the Gospel and bear witness to the faith? St. Paul, the Apostle, whose jubilee we are celebrating in this Pauline Year, wrote many letters and epistles as his own way of witnessing to Christ’s life, teachings and enduring love for each one of us. Fr. Ronald, our parish priest, once said that if St. Paul, were alive today, you would see him walking around with a laptop, looking for a “hotspot” to get connected and “blog” his thoughts and teachings to the Corinthians, Romans, and Galatians. When Christ told his remaining eleven apostles before his Ascension to “go out all over the world and preach the gospel to the whole of creation,” he might as well have anticipated the rich potential of the worldwide web to do just that.

Proclaiming the Gospel, for me, means two things. One, it is to bring the Word of God expressed in many forms, closer to people. Once in a while, inspirational text messages quoting passages from the Bible can really lift up tired souls or clear troubled minds. But let us spare each other messages that warn of misfortunes and evils that will befall anyone who ignores or refuse to send the same message to at least 30 other unsuspecting mobile phone contacts. The web has a wealth of resources on the lives of the saints, reflections on gospel readings, prayer guides, and so forth, if only one makes time for them. And here in our own parish there are services done by young and enthusiastic users of digital technology to help people participate more actively in Mass by having the songs sung and prayers recited magnified twenty-fold via computers and DLP projectors (making the Manila paper, transparencies, and overhead projectors quite obsolete). This is a big help also to make the Mass songs and responses really sink in.

Spreading the Gospel also means witnessing it in our own lives in the quality, sincerity and depth of our friendships and care for one another. In reminding us of the need to also “focus on the quality of the content that is put into circulation” using digital communication technology, the Holy Father also urges us to use technology responsibly. Thanks to the gadgets and equipment we have at our disposal, we are to herald the Gospel of Christian love built on respect and care for the person at the other end of the phone line, the recipient of our text messages, the surfer or fellow blogger on the web seeking truth and guidance, fellow churchgoers seeking the solace and grace of prayers said communally and even friends outside of our circle of contacts for whom mobile phones are an unaffordable luxury. “Loads” to send messages and make voice calls may now be cheaper these days, with all those “unli” promos galore. But as in the days of telegrams, words are still as expensive as gold. They must be carefully used to communicate only what we truly mean to say to persons sincerely respected and cared for, as created in God’s image. Let us use the technology to reach out to people in “all the ends of the earth,” especially the “disadvantaged and the vulnerable,” that through our acts of concern for them and words of consolation and hope, they may feel that God has not forsaken them.

-Angelli F. Tugado

May Flower Devotion nasa Kawan na!

nina Rhea Jomadiao & Tess Barro


Inilunsad na ang “May Flower Devotion sa Kawan” noong Mayo 2 kung saan sabay-sabay na nagdasal ng rosaryo ang mga bata mula sa iba’t-ibang kawan at ginanap din ang pagbabasbas ng iba’t ibang imahe ng Inang Maria na ginagamit sa Pagdalaw ni Maria sa Pamilya o Block Rosary ng LOM at MSK. Opisyal naman itong sinimulan sa bawat kawan noong Mayo 4. Araw-araw itong ginaganap mula 2:30 hanggang 5:00 ng hapon. Pagdating naman ng Sabado, ang lahat ng bata mula sa iba’t ibang kawan ay nagtitipon sa loob ng simbahan upang mag-rosaryo at manood ng video ng kwentong may aral. Tuwing Linggo, ang mga bata ay hinihikayat na magsimba sa ika-4:00 ng hapon.

Ang May Flower Devotion ay ginaganap na sa ating simbahan taun-taon, layunin nito na mapalapit ang mga bata sa Mahal na Birheng Maria. Ang mga bata ay tinuturuan ng iba’t ibang aralin ukol sa misteryo ng Santo Rosaryo at nag-aalay ng bulaklak o kaya naman ay sulat na naglalaman ng kahilingan o nangangako kay Mama Mary na mag-aaral mabuti o tutulong kay Nanay sa paglilinis ng bahay habang bakasyon. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ito ay isinasagawa ng ating parokya ng sabay-sabay sa siyam na kawan. Ito ay bilang pagtugon ng ating parokya sa unang “priority agenda” ng Diyosesis ng Cubao— ang Pagpapalakas ng Parokya sa pamamagitan ng aktibong Basic Ecclesial Communities o mas kilala sa atin bilang Munting Simbahang Kapitbahayan.

Hindi naging madali ang naging pagpapatupad ng gawaing ito, ilang pagpupulong din ang isinagawa upang mapag-isipan at planuhin kung paano ito gagawin sa bawat kawan. Una ay naghanap ng mga student catechists at nagkaroon ng seminar noong Abril 18 at 25, at demo naman noong Abril 27 at 30 sa pangunguna ng Formation Ministry kasama ang LOM sa pakikipagtulungan ng MSK at MPS.

Dahil dito sa gawaing ito, ipinatupad ni Fr. Ronald ang “adopt-a-kawan” kung saan ang mga organisasyon ay namili mula sa siyam na kawan kung sino ang susuportahan nila. Ang mga miyembro ng organisasyon ng ating simbahan ay nagbibigay ng tulong pinansyal para sa pagkain at gamit ng mga bata at tumutulong din sila sa pag-aasikaso ng aktibidad na ito. Malaki ring bahagi nito ay ang mga kawan leaders na siyang gumaganap na tagapag-ugnay ng kawan, organisasyon at ng Formation Ministry. Sila rin ang masigasig na naghanap ng lugar sa kanilang kawan na pagdadausan ng nasabing gawain. Tumulong din ang ilang mga residente ng kada kawan sa ginaganap na pagpapakain sa mga bata bawat araw. Malaking tulong din ang Sunday Second Collection simula May 3-17.

Noong nakaraang taon, umaabot sa 80 bata ang nag-aalay kay Maria bawat araw sa simbahan. Ngunit ngayon, umabot na ito sa mahigit 200 bata kada araw ang natuturuan ng mga inihandang aralin at nakakapag-alay sa Inang Maria.

Ang ganitong gawain ay patuloy na isasagawa upang patuloy na magkaroon ang mga kabataan ng paghuhubog espiritwalidad at makatupad sa hamon na pagpapanibago ng ating simbahan.

Wednesday, March 4, 2009

Reyna Resureksyon 2009


Fiesta Fundraising Project for the completion of the stage in Patio Resurrección

Reyna ng Apostleship of Prayer
Arlene Villamor

Reyna ng Catholic Charismatic Renewal Movement
Carla Marie Marcos

Reyna ng Legion of Mary
Lea Belen

Reyna ng Marriage Encounter
Liberty Aguilar

Reyna ng Ministry of Lectors and Commentators
Katrina Therese Esling

Reyna ng Music Ministry
Rose Ann Panganiban

Reyna ng Misang Pambata Staff
Elaina Theodora Amoranto

Reyna ng Munting Simbahang Kapitbahayan
Victoria Levy Santos

Muli po naming inaasahan ang inyong suporta!

Ang Patio Resureksyon

ni Jordeene Sheex B. Lagare

Sisimulan na ang konstruksyon ng entabladong paitaas ng Patio Resurrección upang dito na ganapin ang lahat ng mga pagtatanghal at gawaing pangsimbahan tulad ng Salubong sa Pasko ng Pagkabuhay at ang koronasyon ng Reyna Resureksyon 2009 sa Abril 12.

Manggagaling ang pondo mula sa natapos na fundraising project ng simbahan na pinamagatang “Sa Handog mong ‘sanlibo, Buo ang Entablado” na isinagawa mula ika-30 ng Nob. 2008 hanggang ika-25 ng Enero 2009. Nakalikom ang proyektong ito ng P302,320.00.

Naunang gawin ang sahig ng patio mula Agosto 20 hanggang Oktubre11 ng nakaraang taon sa ilalim ng gabay ni Engr. Marigor. Nang matapos ito, dito unang ginanap ang Blessing of Pets noong Oktubre 1 at Halloween Dance Party Showdown noong Nobyembre 1. Nanggaling ang pondo ng paggagawa ng sahig mula sa Reyna Resureksyon 2008 at mga donasyon ng iba’t ibang indibidwal.

Ang pagpapagawa ng Patio Resurrección ay bahagi ng beautification at improvement project ng Resurrection of Our Lord Parish.

Nagpapasalamat ang ating kura paroko sa lahat ng mga nagbigay ng kanilang tulong para maitayo ang naturang patio. Para sa mga nais tumulong o sumuporta sa mga proyekto ng simbahan, magsadya lamang sa Parish Office para sa karagdagang impormasyon.

Bigasan ng Parokya


ni Angeline D. Papa

Tuwing Biyernes at Sabado nang umaga, mula 8:00 hanggang 11:00, marahil ay napapansin ninyong maraming pumipila at bumibili ng bigas sa ating parokya sa halagang P18.25 bawat kilo.
Dahil ito sa Bigasan sa Parokya, isang proyekto sa ilalim ng Social Services and Development Ministry (SSDM), bilang pakikiisa ng simbahan sa pagbebenta ng murang bigas, bilang serbisyo sa mga maralitang taga-Paltok.

Ang Bigasan Coordinator na si Sis. Cora Dizon ang namamahala sa pagbebenta ng murang bigas, sa tulong ng mga pili niyang volunteers. Sila ay may mga kaukulang dokumento tulad ng rice allocation card, NFA rice receipts, delivery receipts, Family Access Cards (FAC), listahan ng mga beneficiaries at buwanang financial report na binibigay sa kura paroko.

Ang mga Bigasan ng Parokya ay sa ilalim ng opisina ng Religious Affairs of Malacañang at ng pamamahala ng Diocese of Cubao SSDM Office at ang pondong ginagamit para dito ay galing sa gobyerno.Ang isang parokya ay nakatatanggap ng mula 17 – 40 na kaban ng bigas sa pamamagitan ng tseke o bigas ng NFA. Ang Resurrection of Our Lord Parish ay unang nabigyan ng 40 kaban noong 28 Agosto 2008. Ang pagbebenta ng bigas ay isinasagawa dalawang beses sa isang lingo (tuwing Biyernes at Sabado) sa kahit sinuman. Hanggang limang kilo ng bigas lamang ang maaaring bilhin ng isang pamilya kada araw. Hanggang sampung kilong bigas ang pwedeng bilhin ng isang pamilya sa isang linggo at 14 naman para sa mga may hawak na FAC. Ang maaaring bumili ng bigas ay mga taong may access card o sa halip nila, ang alinman sa mga sumusunod: ang kanilang asawa, anak na may edad 18 pataas, o mga anak na walang pang 18 na may kasamang matanda.

Bukod sa mga social service programs, tumutugon din ang SSDM sa iba pang mga programa ng simbahan para sa ikauunlad ng komunidad.

Thursday, November 8, 2007

Sacramentum Caritatis: Sakramento ng Pag-ibig

Ang dokumentong ito ay isang pagsisikap na lagumin at ipaliwanag ang mga importanteng mensahe ng Santo Papa Benito XVI mula sa Sacramentum Caritatis.

Noong Pebrero 22 ng taong ito, sinulat ni Santo Papa Benito XVI ang Sacramentum Caritatis (Sacrament of Love) upang ipahayag ang kahalagahan ng Eukaristiya bilang puno at hantungan ng buhay at misyon ng Simbahang Katoliko. Ang Sacramentum Caritatis ay ang ikalawang dokumento na sinulat ng Santo Papa tungkol sa pag-ibig. Kung maaalala natin noong nakaraang taon ay sinulat ng Santo Papa ang Deus Caritas Est (God is Love).

Hinihikayat ng Santo Papa ang lahat ng mga nananampalatayang Katoliko na palalimin ang kanilang pag-unawa sa kaugnayan ng misteryo, liturhiya at ng makabagong pagsamba na nagmumula sa Banal na Eukaristiya bilang sakramento ng pag-ibig. Dapat tandaan na ang buhay na Eukaristiyang pananampalataya ay nagdudulot ng pagpapalalim ng ating pakikibahagi sa misyon ni Kristo dito sa mundo.

Misteryo ng Pananampalataya

Ang Eukaristiya ay isang misteryo ng pananampalataya. Ipinahahayag sa banal na misa ng mga pari ang pagkamangha sa pagpapalit ng tinapay at alak sa katawan at dugo ni Kristo. Sa Eukaristiya, ibinibigay ng Panginoong Hesus ang Kanyang buong sarili at dakilang pagmamahal.

Ang Banal na Santatlo at ang Eukaristiya

Ang doktrina ng Banal na Santatlo (Ama, Anak at Espiritu Santo) ay binubuo ng tatlong katotohanan: (1) na ang Diyos ay iisa, (2) sa tatlong magkakaiba at (3) magkakapantay na Persona. Ito ay isang misteryo, hindi lamang dahil ang iisang Diyos ay may tatlong persona, ngunit dahil din sa Siya ay walang-hanggang PAG-IBIG. Ipinakikita sa Eukaristiya ang kasaysayan ng pag-ibig ng Diyos sa tao, mula sa paglikha at pag-aalaga ng Diyos Ama, sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus upang matubos tayo sa kasalanan, at ang pananahan ng Espiritu Santo upang tayo ay pabanalin. Ang “misteryo ng pananampalataya” ay ang misteryo ng pag-ibig ng Banal na Santatlo.

Hesus ang Kordero ng Diyos

Ang pagkamatay ni Kristo sa krus ay ang katuparan ng pagtalikod ng Diyos sa kanyang sarili upang itaguyod at iligtas ang sangkatauhan. Sa eukaristiya ipinahahayag ng pari “Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad ang tatanggap sa kanyang piging.” Sa pagbibigay ni Hesus ng kanyang buong sarili, binigyang katuparan niya ang pangakong kaligtasan ng Diyos sa tao.

Ang Espiritu Santo at ang Eukaristiya

Ang Espiritu Santo ay gumagalaw na mula pa nung likhain ng Diyos ang mundo, sa paglilihi kay Hesus ng Birheng Maria, sa pagtupad ni Hesus ng kanyang misyon, at sa pagdapo niya sa mga Apostoles noong Pentekostes. Ang Espiritu Santo ang Siyang nagpapahintulot sa pagbabago ng tinapay at alak upang maging katawan at dugo ni Kristo.

Ang Eukaristiya at ang Simbahan

Dapat maunawaan na ang Simbahang tinutukoy dito ay ang mga tao at hindi istruktura. Sa pagkamatay ni Hesus sa krus, itinatag Niya ang Simbahan bilang kanyang kabiyak at katawan. Ang Simbahan ay nagsisilbi ring tanda at instrumento ng matalik na pakikipag-ugnay sa Diyos at ng pagkakaisa ng buong sangkatauhan (GS, 42). Ang buong Simbahan na nakikibahagi sa katawan at dugo ni Kristo ay pinag-iisa ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng Eukaristiya.

Ang Eukaristiya at mga Sakramento

Ang sakramento ay isang materyal na tanda na nagkakaloob ng grasya, binibigyang-bisa ang isinasagisag nito, at nagbubunga ng grasya sa pamamagitan ng isinasagisag na grasya. Ang mga sakramento ay tumutulong na ipaliwanag kung paano maaaring kumilos ang grasya ni Kristo sa atin. Ang lahat ng mga sakramento na ating tinatanggap ay may malapit na kaugnayan sa Eukaristiya. Ang mga sakramento ay pinag-iisa at humahantong sa Eukaristiya.

  1. Binyag at Kumpil

Tayong lahat ay sinilang na makasalanan at nasa isang kalagayang taliwas sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng binyag, tayo ay naliligtas sa kasalanan at nagiging mga lehitimong anak ng Diyos. Sa kumpil naman ipinagkakaloob sa atin ang biyaya ng Espiritu Santo upang maging patuloy na saksi ng Mabuting Balita ng Panginoon. Ang binyag at kumpil ay nagiging perpekto sa pagtanggap sa Eukaristiya.

Sa pagtanggap ng binyag at kumpil, ang tao ay nagiging bahagi ng malaking pamilya ng Diyos. Kaya’t nais ng Santo Papa na bigyang halaga ang mga sakramentong ito ng bawat Kristiyanong pamilya. Ang bawat pamilya ay dapat na maging saksi sa pagtanggap ng mga sakramento ng mga miyembro nito, at suportahan ang paglago ng kanilang Kristiyanong pananampalataya.

  1. Sakramento ng Pagbabalik-loob

Ang mga nananampalataya ay naiimpluwensiyahan ng kultura ng pagwawalang-bahala sa kasalanan at pangangailangan na maging banal upang maging karapat-dapat sa pagtanggap kay Kristo sa banal na Eukaristiya. Ang sakramento ng pagbabalik-loob, o pagkukumpisal sa pari, ay nagsisilbing lunas upang upang maituwid ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang pagmamahal sa Eukaristiya ay nagdudulot ng higit na pagpapahalaga sa sakramento ng pagbabalik-loob.

  1. Pagpapahid ng Langis

Sa Eukaristiya ipinakita ni Hesus kung paanong ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay ay bunga ng kanyang dakilang pagmamahal. Sa sakramento ng pagpapahid ng langis naman ay ipinakikita ang pakikiisa ng mga maysakit sa pag-aalay ni Kristo ng kanyang buong sarili para sa kaligtasan ng lahat.

  1. Banal na Orden

Ang kaugnayan ng Eukaristiya sa sakramento ng banal na orden ay nasasaad sa sinabi ni Hesus, “Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin” (Lk 22:19). Sa paglilingkod ng pari sa kanyang ministeryo ipinakikita niya si Kristo bilang pinuno at pastol.

Hinihikayat ang lahat ng mga Kristiyanong pamilya at pamayanan na suportahan ang paglago ng bokasyon sa pagpapari at pagiging relihiyoso.

  1. Kasal

May espesyal na kaugnayan ang Eukaristiya at ang sakramento ng kasal. Ang buong Kristiyanong pamumuhay ay marka ng pagmamahal ni Kristo at ng Simbahan na Kanyang kabiyak. Pinatatatag ng Eukaristiya ang pag-iisang-dibdib ng mga ikinakasal upang ito ay maging kasintatag ng ugnayan at pagmamahalan ni Kristo at ng kanyang Simbahan.

Ang Eukaristiya at Eskatolohiya

Ang bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay humahantong sa pagtitipong eskatolohikal, o sa katapusan, ng buong bayan ng Diyos. Namatay si Kristo upang ang lahat ng sumusunod sa kanya ay magkamit ng “buhay na walang hanggan” (Mc 10:30). Ang pag-aalaala sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng Eukaristiya ay nagpapalakas sa ating pag-asa sa buhay na walang hanggan at makatagpong muli ang mga nauna na sa atin sa langit.

Ang Eukaristiya at ang Birheng Maria

Ang biyaya ng Diyos sa atin ay nabigyang katuparan sa katauhan ni Birheng Maria. Sa kanyang buong buhay sa lupa, ipinakita ni Maria ang kanyang pagsang-ayon at pakikibahagi sa pagliligtas ng Diyos sa tao. Katulad ng pagtanggap ni Maria sa Diyos, nawa’y tanggapin din natin si Kristo sa Eukaristiya.

Sanggunian:

  1. Post-Synodal Apostolic Exhortation SACRAMENTUM CARITATIS of the HOLY FATHER BENEDICT XVI to the bishops, clergy, consecrated persons and the lay faithful on the Eucharist as the source and summit of the Church’s Life and Mission. 2007. http://www.vatican.va
  2. Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko. 2000. Catholic Bishops Conference of the Philippines
  3. Garcia, Rev. William. Renewal for Lay Liturgical Ministers. 2007

ni Christina Maureen Salang

Barangay and SK Elections Candidates Forum

Kasalang Simbahan

Labing-isang mga magsing-irog ang nakibahagi sa Kasalang Simbahan na naganap noong Agosto 25, 2007. Ang kasal ay pinamunuan ng ating kura paroko na si Fr. Ronald Macale.

Matapos ang kasal ay nagkaroon ng reception na idinaos sa roofdeck ng parish center. Doon isinagawa ang mga tradisyonal na gawain tuwing may kinakasal gaya ng paghahati ng cake, pag-inom ng alak at picture taking. Masayang-masaya ang mga ikinasal dahil ang kanilang pagsasama ay may basbas na ng Diyos sa pamamagitan ng Simbahan.

Ang Kasalang Simbahan ay matagumpay na idinaos sa tulong ng Family and Life Ministry at ng lahat ng mga organisasyon na kabilang dito.

ni Leslie Mendezabal

Thursday, August 9, 2007

Announcements

TO: All coordinators of church organizations

FROM: PPC Secretary

RE: ELECTION OF NEW SET OF OFFICERS

As per instruction of Fr. Ronald, I would like inform everyone that by October 2007, a new set of officers should have been elected for your organization. Elections should follow the process as stated in your organizational by-laws.

In the event that your organization does not have any by-law specifying how your officers are to be elected, your members may opt to nominate those they judge to be fit to lead them. Nominations may be done through secret ballot in sealed envelopes. The unopened ballots are to be collated and submitted to Fr. Ronald. From those nominated, Fr. Ronald will appoint those he determines to be appropriate for the task.

Setting the month of October as the deadline will give the new set of leaders the time to prepare to assume their positions at the beginning of 2008. The period these officers will serve may also be defined by the by-laws; otherwise, these officers are to serve for a period of one year. They may be re-elected or re-appointed for another year. Maximum number of years of service should not exceed three years.

It will be very much appreciated if you can then provide me with the list of new officers as this becomes available.


Thank you for your cooperation.


Joy V. dela Cruz

PPC Secretary


N O T E D:


Fr. Ronald M. Macale

Parish Priest

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Basic Formation for new members of Lectors and Commentators Guild - August 25, 8:00 am to 4:00 pm at Lantana, Cubao, Quezon City

Basic Formation for new members of Special Ministers of Holy Communion & Ministry of Greeters & Collectors- August 26, 8:00 am to 4:00 pm at Lantana, Cubao, Quezon City

Street mass - every Tuesday and Thursday, 6:30 pm

Please support “Balik-Alay sa Panginoon Program” - envelopes are available at MGC table and at parish office

For all those interested to join Multimedia Advocates for Creative Evangelization (MACE), please leave your name and contact nos. at parish office or approach any MACE member

Birthday ko, Sayaw naman tayo!

Naging makabuluhan at masaya ang nakaraang pagdiriwang ng kaarawan ng aming pinakamamahal na kura-paroko na si Fr. Ronald Macale noong ika-22 ng Hunyo, 2007 na ginanap sa Kowloon House, West Avenue, Quezon City sa ganap na 8:00 ng gabi. Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan, kamag-anak, at mga nagmamahal kay Fr. Ronald. Naroroon din ang kaniyang pinakamamahal na ina na si Nanay Ading, ang kaniyang mga kapwa pari na sina Fr. Totit Vita, Fr. Rey Mission, Fr. Louie Caupayan, Fr. Ezer Navarro at Fr.Teody Taneo. May mga bisita rin galing sa dating parokya na kung saan naging dating kura paroko si Fr. Ronald, sila ay nagmula sa Parish of the Lord of Divine Mercy at ang Sto. Cristo de Bungad, kung saan kasalukuyan ding kura paroko si Fr. Ronald.

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa isang mensahe ng pasasalamat ni Fr. Ronald sa lahat ng nagsipaghanda at nagsipagdalo sa kaniyang kaarawan. Pagkatapos, ay sinimulan ng pagsasayawan ng mga panauhing pandangal at mga nagsipagdalo.

Ilan sa mga nagpakitang-gilas din sa pagsasayaw ay ang mga organisasyong MBG, CWL at ME na naghanda ng kanilang mga sayaw, na lubos na nagbigay ng kasiyahan sa mga nagsipagdalo.

Sa pangalawang bahagi ng programa ay mga inihandang video presentation ng grupong MACE sa pangunguna nina Joy dela Cruz at Maui Salang. Ang naturang presentation ay ang mga mainit na pagbati at pasasalamat ng mga malapit na tao kay Fr. Ronald at mga larawan niya mula pagkabata hanggang sa siya ay maging pari. Nagbigay din ng kasiyahan sa naturang pagdiriwang ang pamimigay ng iba’t ibang papremyo sa mga nagsipagdalo.

Ang gabing iyon ay natapos na naging makulay at lubhang kasiya-siya sa walang humpay na sayawan at indakan ng mga taong nagsipagdalo, na nagbigay ng kasiyahan sa pinakamahalagang araw para sa aming kura-paroko.

Ang kaarawang ding iyon ni Fr. Ronald Macale ay isa ring paraan upang siya ay pasalamatan sa kaniyang pagsisikap para sa ikauunlad ng parokya.

Ang nalikom na salapi sa naturang pagdiriwang ay mapupunta sa Parish Construction Fund.

Ito ang ilan sa mga larawan nung kaarawan ni Fr. Ronald:




===
by Rheciel Belen

Penitential Dawn Procession

Ang Penitential Dawn Procession ay ang pag-ikot ng mahal na birhen sa mga kawan kung saan nagdarasal ng Sto. Rosaryo ang mga nagsisipagdalo at kumakanta ng mga awit para kay Maria. Pagkatapos ay pupunta sa simbahan upang ipagdiwang ang banal na misa.

Ito rin ay isang paraan upang bigyang pugay ang ating mahal na birhen.

Noong nakaraang ika-5 ng Mayo, 2007, nagsimula ang penitential dawn procession sa Kawan 5 sa ganap na 5:00 ng umaga, at nasundan muli sa mga unang sabado ng buwan: noong ika-2 ng Hunyo sa Kawan 7 at ika-7 ng Hulyo sa Kawan 3. Ang mga nabanggit na mga nakaraang penitential procession ay naidaos ng maayos at dinaluhan ng maraming tao.

===
by Leslie Mendezabal

A Paltokian in New York

On May 3, 2007, our fellow-Paltokian Ms. Donie Lee flew off to the city that never sleeps - not to watch a Broadway production, see the famous Statue of Liberty, join the stampede on the sale day of Macy’s, take pictures of the Times Square, the Trump Tower, the gloomy site where the Twin Towers used to stand, now known as Ground Zero, etc. It’s interesting that while almost everyone who visits there dives into the city’s amazing attractions, drowning themselves in the dazzling sights and sounds that make New York one of the favorite tourist destinations in the world, Donie is there for a totally different reason. She is not one of those “almost everyone”.

New York , New York ! To be a nun in New York may seem like a paradox. But it is not an unrealistic concept, not when a person is driven with all the passion and zeal, which are the very things that will fulfill Donnie’s aspiration to be God’s lady.

The following is her message to us, her fellow ROLP parishioners:

I am leaving not because I am quitting but because I'm going to a place where God has called me. I am joining the Parish Visitors of Mary Immaculate Community. It's a congregation of contemplative-missionaries whose main apostolate are home-to-home visitation and catechesis.

ROLP is already a part of me. No distance or time could make me forget this parish. This is where I was baptized and confirmed. This is where I received my spiritual nourishment in the Eucharist. This is where I grew up and matured spiritually. I will surely miss ROLP, especially waking up to the music of mass being celebrated (I live just right next to the church) and sleeping hearing all kinds of activities being held both inside the church and the formation center. I will miss everyone - the regular mass goers, my junior and fellow legionaries, Vocation Ministry meetings, EXECOM and PPC meetings, operating the projector, rushing and trying to meet all deadlines with the MACE people and my family of course! Oh, how I'll miss everyone and everything!

I pray that there will be more youth who will respond to God's call to the priestly and religious vocation. I pray that we will also be blessed with holy parents that will rear God-fearing children. I pray for the parish, that it grows, not only in structure but more importantly, but also in terms of the number of parishioners. May their hearts be filled with love of God, compassion for their neighbors and zeal to serve our Lord.

I hope you pray for me, too, and for all seminarians, brothers and sisters undergoing formation. Let's pray for our priests especially Fr. Ronald. Let's give our support to him. He's our pastor, he will lead us to our true Shepherd.

God bless us all and I hope to see you all again someday!

Donnie Lee

Donnie, on behalf of everyone from ROLP, we at the Sinag Resureksyon hope that your involvement in various pastoral work here at ROLP – as Former Vocation Ministry Coordinator (appointed by Fr. Ronald Macale), member of Legion of Mary (LOM) and the Multimedia Advocates for Creative Evangelization (MACE) – have prepared you adequately for this profession. We are proud of you and we will be praying for you, indeed. And when you come back here, we hope to see you looking oh so fine in your blue and white nun’s habit. You go, sister!

===
by Claude Despabiladeras

Prusisyon: Paghahanda at Pagdiriwang


Idinaos ang isang seminar tungkol sa prusisyon noong ika-14 ng Hulyo, 2007 sa ikalawang palapag ng ating parish center. Pinangunahan ito ng may-akda ng librong Prusisyon: Paghahanda at Pagdiriwang, na si Bro. Mike delos Reyes. Dinaluhan ito ng ating kura paroko na si Fr. Ronald at resident guest priest na si Fr. Totit, mga miyembro ng iba’t-ibang organisasyon at mga may-ari ng mga imahen sa ating parokya.

Tinalakay sa naturang seminar ang prusisyon sa loob ng liturhiya, ngunit binigyan niya ng pansin ang prusisyon na ginaganap tuwing Semana Santa. Inilarawan niya ang prusisyon bilang isang gumagalaw na katekesis at isang bigkis na nagbubuklod sa iba’t-ibang anyo ng mga panata ng mga Katolikong Pilipino. Ito rin ay nakakatulong sa pagpapayaman ng espirituwalidad ng mga tao. Binigyang diin din na ang parangal na iniuukol sa mga imahen ay patungkol sa banal na kinakatawan nito, at hindi nakasalalay sa kabanalan o kapangyarihan ng imahen. Kaya mahalaga ang wasto at angkop na paglalarawan sa mga ito. Dapat nating maintindihan na ang prusisyon ay isang paglalakbay kasama at kasunod ni Kristo sa kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ngunit hindi dapat na gawing pamalit sa mga liturhiya ng Mahal na Araw.

Napag-alaman ni Bro. Mike na ang prusisyon ng “Pasyon, Pagkamatay at Paglilibing kay Kristo” ay ginagawa dito sa ating parokya tuwing Biyernes Santo lamang. Iminungkahi niya na magkaroon ng prusisyon tuwing Miyerkules Santo; ito ang prusisyon ng “Pagpapakasakit ni Hesus”. At ang “Paglilibing kay Kristo” lamang ang dapat gunitain tuwing Biyernes Santo. Nagbigay siya ng panukalang hanay ng mga imahen na dapat isama tuwing iyerkules at Biyernes. Dapat daw na maintindihan na kailangang hiwalay ang paggunita sa Pasyon at Paglilibing ng ating Panginoong Hesus. Ipinahayag din niya ang pangunahing hanay sa Prusisyon ng Salubong. Iminungkahi rin niya ang pagkakaroon ng dakilang prusisyon ng Pagkabuhay na dapat gawin sa Linggo ng Pentekostes.

Natapos ang seminar sa pagpapaalala ni Bro. Mike na ang prusisyon ay dapat gawing panalangin, sa halip na manalangin lamang habang nagpruprusisyon.

===
by Joy Dela Cruz

Kilalanin si Fr. Totit

Marahil ay napansin na ninyo nitong nakaraang buwan ang bagong pari sa ating parokya. Siya ay si Fr. JC Omar Socrates Tagum Vita II, o Fr. Totit, kung siya’y karaniwang tawagin. Siya ay panganay sa anim na mga supling nina Cielito at Wilma Vita. Ipinanganak siya noong Agosto 5, 1972 sa bayan ng Legaspi sa Albay. Sa kanilang magkakapatid ay si Fr. Totit lamang ang naging pari, dahil sa impluwensiya ng kanyang ama, na isang taong malapit sa Diyos. Paniniwala ng kanyang ama na ialay ang kanyang panganay na anak sa Diyos. At walang pag-aatubili namang sumunod ang batang si Totit. High school pa lamang siya ay pumasok na siya sa seminaryo, sa Our Lady of Peñafrancia Minor Seminary sa bayan ng Sorsogon. Nag-aral siya ng Pilosopiya sa Mater Salutis College Seminary sa Legaspi City, at Teolohiya sa Holy Rosary Major Seminary sa Naga City. Mabuti ang Panginoon sapagkat pinalad naman si Fr. Totit na maging isa sa dalawang naging pari mula sa tatlumpu’t apat na pumasok sa minor seminary sa kanyang pangkat. Siya ay inordinahan noong Enero 16, 1999.

Nang ma-ordinahan bilang pari, si Fr. Totit ay unang nagsilbi bilang Parochial Vicar sa St. Gregory the Great Cathedral sa Legaspi City sa loob ng isang taon. Naatasan din siya na maging secretary at notary sa Diocesan Chancery ng Diyoseses ng Legaspi. Matapos ang dalawang taong paglilingkod sa chancery, siya ay naging Parochial Vicar sa mga parokya ng St. John the Baptist sa bayan ng Camalig, at sa Sts. Peter and Paul sa bayan ng Polangui, lalawigan ng Albay. Nang makalimang taon siyang pari, siya ay binigyan ng pagkakataon na maging kura paroko ng St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Guinobatan, Albay. Dalawang taon din siyang naging kura paroko bago nagdesisyon na kumuha ng sabbatical leave sa Diyoseses ng Legaspi. Sa tulong ng rekomendasyon ng kanyang Obispo siya ay nabigyan ng pagkakataong maglingkod sa Diyoseses ng Cubao. Una siyang naatasang maglingkod sa parokya ng Sto. Cristo de Bungad, hanggang sa hiniling ng ating kura paroko na si Fr. Ronald Macale na maging guest priest ng ating parokya. Halos isang buwan nang namamalagi si Fr. Totit sa ating parokya. Bukod sa pagmimisa, may mga pagkakataon din na siya ay sumasama sa mga gawain ng mga organisasyon ng parokya. Inatasan siyang bigyan ng kaukulang pansin ang Youth Ministry ng ROLP.

Kung hindi naman abala sa mga gawain sa parokya si Fr. Totit, siya ay nanonood ng telebisyon, nakikinig ng radyo, o kaya ay naglalaro ng badminton o lawn tennis. At hindi agad maiisip na ang malumanay na paring ito ay mahilig pala sa Motor Bike!

Masaya si Fr. Totit sa kanyang pananatili sa ROLP. Madali niyang nakasundo ang mga parokyano dahil simple ang pamumuhay ng mga ito. Sinabi niya ang mga taga-ROLP ay “maasikaso, malambing, at mapagmahal sa pari.”

Sana ang pananatili ni Fr. Totit sa ating parokya ay makatulong sa mga parokyano ng ROLP na lumago ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at maging daan din sa kanyang paglago bilang tao at bilang paring hinirang ng Diyos.