Wednesday, March 4, 2009
Miyerkules de Sinisa: Tawag sa Pagbabalik-loob
ni Maui L. Salang
Ang Miyerkules de Sinisa, o Ash Wednesday sa Ingles, ay ang unang araw ng kuwaresma. Sa taong ito, ang pagdiriwang na ito ay magaganap sa Pebrero 25.
Dalawang termino ang nabanggit sa unang pangungusap: Miyerkules de Sinisa at Kuwaresma. Ang Kuwaresma ay panahon ng pagbabalik-loob, pagninilay at pangilin upang tayo ay maging handa sa muling pagkabuhay ni Kristo, nang matanggap natin ang kaligtasan.
Gaya ng pagbabalik-loob ng mga taga-Nineveh (Jonah 3: 5-8), ang ating mga noo ay pinapahiran ng abo upang magpangumbaba ang ating mga puso at paalalahanan tayo na ang buhay sa mundo ay may hangganan.
KASAYSAYAN
Ang pagpapahid ng abo ay mula sa isang seremonya na maaaring nagsimula noong ika-8 siglo. Tuwing araw na ito, ang mga mananampalataya ay inaanyayahang lumapit sa altar bago magsimula ang misa, habang ang pari, na inilulubog ang kanyang hinlalaki sa nabasbasang abo, ay nagmamarka ng krus sa noo, at sinasabi na ang tao na nanggaling sa alabok ay sa alabok din magbabalik.
ANG MGA ABO
Ang mga abo ay gawa sa mga lumang palaspas na binasbasan noong Linggo ng Palaspas ng nakaraang taon. Ang mga abo ay binabasbasan ng Banal na Tubig at insenso.
KAHULUGAN
Habang ang mga abo ay sumisimbolo ng pagbabalik-loob at pagsisisi, ang mga ito rin ay nagpapaalala na ang Diyos ay nalulugod at nahahabag sa mga taong buong pusong tumatawag at humihingi ng Kanyang kapatawaran. Pinakamahalaga ang dakilang awa ng Panginoon sa panahon ng Kuwaresma. At ang Simbahan ay tumatawag sa atin na hingin ang Dakilang Awa ng Diyos sa panahong ito sa pamamagitan ng pagninilay, pananalangin at pagbabalik-loob. Sa pagpapahid ng abo ng pari sa atin, sinasabi niya ang mga katagang “Turn away from sin and believe in the Gospel”. Ipinahahayag sa atin na sikapin na lumayo sa mga kasalanan at sa mga okasyong magdadala sa atin dito, upang tayo ay higit na makasunod sa salita ng Diyos sa Ebanghelyo.
Sanggunian:
1. Thurston, Herbert. “Ash Wednesday.” The Catholic Encyclopedia. Vol. 1. New York: Robert Appleton Company, 1907. 7 Feb. 2009.
2. Fairchild, Mary. “When is Easter 2009?” New York: New York Times Company. 7 Feb. 2009.
3. “Ash Wednesday.” Catholic Online. California: Catholic Online. 7 Feb. 2009..
4. Tabora, Fr. Joel, SJ. “Transfiguration in Lent.” New York: Philippine Jesuit Foundation, 2003. 7 Feb. 2009..
Ang Miyerkules de Sinisa, o Ash Wednesday sa Ingles, ay ang unang araw ng kuwaresma. Sa taong ito, ang pagdiriwang na ito ay magaganap sa Pebrero 25.
Dalawang termino ang nabanggit sa unang pangungusap: Miyerkules de Sinisa at Kuwaresma. Ang Kuwaresma ay panahon ng pagbabalik-loob, pagninilay at pangilin upang tayo ay maging handa sa muling pagkabuhay ni Kristo, nang matanggap natin ang kaligtasan.
Gaya ng pagbabalik-loob ng mga taga-Nineveh (Jonah 3: 5-8), ang ating mga noo ay pinapahiran ng abo upang magpangumbaba ang ating mga puso at paalalahanan tayo na ang buhay sa mundo ay may hangganan.
KASAYSAYAN
Ang pagpapahid ng abo ay mula sa isang seremonya na maaaring nagsimula noong ika-8 siglo. Tuwing araw na ito, ang mga mananampalataya ay inaanyayahang lumapit sa altar bago magsimula ang misa, habang ang pari, na inilulubog ang kanyang hinlalaki sa nabasbasang abo, ay nagmamarka ng krus sa noo, at sinasabi na ang tao na nanggaling sa alabok ay sa alabok din magbabalik.
ANG MGA ABO
Ang mga abo ay gawa sa mga lumang palaspas na binasbasan noong Linggo ng Palaspas ng nakaraang taon. Ang mga abo ay binabasbasan ng Banal na Tubig at insenso.
KAHULUGAN
Habang ang mga abo ay sumisimbolo ng pagbabalik-loob at pagsisisi, ang mga ito rin ay nagpapaalala na ang Diyos ay nalulugod at nahahabag sa mga taong buong pusong tumatawag at humihingi ng Kanyang kapatawaran. Pinakamahalaga ang dakilang awa ng Panginoon sa panahon ng Kuwaresma. At ang Simbahan ay tumatawag sa atin na hingin ang Dakilang Awa ng Diyos sa panahong ito sa pamamagitan ng pagninilay, pananalangin at pagbabalik-loob. Sa pagpapahid ng abo ng pari sa atin, sinasabi niya ang mga katagang “Turn away from sin and believe in the Gospel”. Ipinahahayag sa atin na sikapin na lumayo sa mga kasalanan at sa mga okasyong magdadala sa atin dito, upang tayo ay higit na makasunod sa salita ng Diyos sa Ebanghelyo.
Sanggunian:
1. Thurston, Herbert. “Ash Wednesday.” The Catholic Encyclopedia. Vol. 1. New York: Robert Appleton Company, 1907. 7 Feb. 2009
2. Fairchild, Mary. “When is Easter 2009?” New York: New York Times Company. 7 Feb. 2009
3. “Ash Wednesday.” Catholic Online. California: Catholic Online. 7 Feb. 2009.
4. Tabora, Fr. Joel, SJ. “Transfiguration in Lent.” New York: Philippine Jesuit Foundation, 2003. 7 Feb. 2009.
Reyna Resureksyon 2009
Fiesta Fundraising Project for the completion of the stage in Patio Resurrección
Reyna ng Apostleship of Prayer
Arlene Villamor
Reyna ng Catholic Charismatic Renewal Movement
Carla Marie Marcos
Reyna ng Legion of Mary
Lea Belen
Reyna ng Marriage Encounter
Liberty Aguilar
Reyna ng Ministry of Lectors and Commentators
Katrina Therese Esling
Reyna ng Music Ministry
Rose Ann Panganiban
Reyna ng Misang Pambata Staff
Elaina Theodora Amoranto
Reyna ng Munting Simbahang Kapitbahayan
Victoria Levy Santos
Muli po naming inaasahan ang inyong suporta!

Ang Patio Resureksyon
ni Jordeene Sheex B. Lagare
Sisimulan na ang konstruksyon ng entabladong paitaas ng Patio Resurrección upang dito na ganapin ang lahat ng mga pagtatanghal at gawaing pangsimbahan tulad ng Salubong sa Pasko ng Pagkabuhay at ang koronasyon ng Reyna Resureksyon 2009 sa Abril 12.
Manggagaling ang pondo mula sa natapos na fundraising project ng simbahan na pinamagatang “Sa Handog mong ‘sanlibo, Buo ang Entablado” na isinagawa mula ika-30 ng Nob. 2008 hanggang ika-25 ng Enero 2009. Nakalikom ang proyektong ito ng P302,320.00.
Naunang gawin ang sahig ng patio mula Agosto 20 hanggang Oktubre11 ng nakaraang taon sa ilalim ng gabay ni Engr. Marigor. Nang matapos ito, dito unang ginanap ang Blessing of Pets noong Oktubre 1 at Halloween Dance Party Showdown noong Nobyembre 1. Nanggaling ang pondo ng paggagawa ng sahig mula sa Reyna Resureksyon 2008 at mga donasyon ng iba’t ibang indibidwal.
Ang pagpapagawa ng Patio Resurrección ay bahagi ng beautification at improvement project ng Resurrection of Our Lord Parish.
Nagpapasalamat ang ating kura paroko sa lahat ng mga nagbigay ng kanilang tulong para maitayo ang naturang patio. Para sa mga nais tumulong o sumuporta sa mga proyekto ng simbahan, magsadya lamang sa Parish Office para sa karagdagang impormasyon.

PREX General Assembly
ni Jordeene Sheex B. Lagare
Naging masaya at matagumpay ang ika-16 na Parish Renewal Experience (PREX) General Assembly na ginanap sa patio ng ating simbahan noong Enero 31, 2009. Layunin nito na magkatipon-tipon ang mga PREX graduates upang lubos na magkakilala ang bawat isa. Sa isang miting ng core, sinabi ni Fr. Ronald Macale, ang ating kura paroko, na dapat magkaroon ng general assembly taun-taon.
Sinimulan ang naturang okasyon ng isang motorcade na tumagal ng isang oras. Pagkaraan
ng motorcade, idinaos ang Misang pasasalamat na pinamunuan ni Fr. Ronald. Sinundan ang Misa ng isang programa. Nagpamalas ng iba’t ibang talento sa pagkanta at pagsayaw ang iba’t ibang PREX class. May mga ipinamigay sa raffle at sa mga palaro ng mga papremyo galing sa mga PREX graduates. Habang idinadaos ang programa, maraming PREX graduates ang nagpa-abot ng kanilang tulong tulad ng mga notebooks, ballpens, pagkain at merienda, at mga gamot para sa susunod na pa-klase.
“Masaya ako kasi nabawasan ang gastos para sa mga pangunahing pangangailangan dahil marami ang nagbigay ng mga pledges para dito. Sana magkaroon ng maraming participants para worth ang mga pledges at maraming maglingkod sa ating simbahan,” sabi ni Wilma Castor, isa sa Lead Couple, PREX 49.
“Ika-16 na taon ng pagkakaisa at pagpapalaganap para sa pagpapalagong buhay Kristiyano” ang tema ng naturang assembly.

Ang BIBLIARASAL sa Kapitbahayan
nina Reginald B. Pawang at Jordeene Sheex B. Lagare
Ang bibliarasal o Biblia-aral-dasal-asal ay ang pag-aaral at paggunita sa nilalaman ng Biblia at ang implikasyon nito sa buhay ng bawat isa. Sa madaling salita, pagsasabuhay ito ng diwa ng banal na kasulatan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Kasama sa 5-point priority agenda ng Diocese of Cubao ang pagpapalakas ng Basic Ecclesiastical Community (BEC) kaya nais ni Fr. Ronald na may bibliarasal sa bawat kawan. Layunin nito na mapalapit ang tao sa Panginoon at makilala Siya nang lubusan, at maiangat ang espiritwalidad ng tao.
Kaugnay nito, pormal na kinumisyunan ni Fr. Ronald ang 19 na facilitators at 24 na assistant facilitators sa Bibliarasal ng ating parokya noong Agosto 31, 2008. Ang isang bukluran ay binubuo ng isang facilitator, isang asst. facilitator, at mula anim hanggang walong kalahok. Sinisumulan ito sa pamamagitan ng panimulang panalangin na pinangungunahan ng isang facilitator at sinusundan ng pag-awit at pagbasa ng Mabuting Balita para sa linggong iyon. Pagkatapos ay may ilang mga katanungan na magmumula sa ibinasang Mabuting Balita na siyang sasagutin ng mga kasali rito base sa kani-kanilang karanasan sa buhay. Nang simulan ito sa Kawan 2, nahirapang manghikayat ng mga mga kaibigan na lang ang inaya. Marami ring inaya ngunit kakaunti lamang ang tumugon sa paanyaya dahil ang iba sa kanila’y hindi pa handa para dito. Sa unang pagtitipon sa naturang kawan, sinabihan ang mga kalahok na nasa kanila iyon kung nais nilang sagutin ang mga katangunan mula sa aklat o hindi. Nakagugulat na lahat sila ay naki-isa sa talakayan. “Bakit? Akala ko ba hindi ka magsasalita,” tinanong sa isang kalahok matapos nito. “Bakit ikaw, daldal ka ng daldal,” tugon naman niya. Napatawa na lang at naisip na ang mga naging sagot nila ay may basbas ng Espiritu Santo.
Sa ngayon, anim hanggang walo ang ang nakadadalo. Paiba-iba rin ang araw at lugar ng pinagdaraos base ito sa libreng oras ng mga miyembro at facilitators.
Sa ngayon, walong bukluran na ang nagsasagawa nito. Ito ay ang Kawan 2 (East Riverside (Pitong-Gatang)), Kawan 3 (Basa-Aragon), Kawan 4 (Ilagan-Mendoza), Kawan 6 (Holy Eucharist Chapel), Kawan 7 (Anakbayan-Aragon), Kawan 8 (Natividad), Kawan 9 (Natividad (Kundiman-Guevarra)), at Kawan 9 (Natividad-Guevarra).
Ayon kay Leslie Mendezabal, coordinator ng Munting Simbahang Kapitbahayan (MSK), hindi hadlang ang di pagtutugma ng libreng oras at kalayuan ng mga facilitators sa kawang pagdadausan nito sa pagtatagumpay ng bibliarasal. Inaasahan din niya ang pakikilahok ng marami pang miyembro ng bawat kawan sa gawaing ito.

Bigasan ng Parokya
ni Angeline D. Papa
Tuwing Biyernes at Sabado nang umaga, mula 8:00 hanggang 11:00, marahil ay napapansin ninyong maraming pumipila at bumibili ng bigas sa ating parokya sa halagang P18.25 bawat kilo.
Dahil ito sa Bigasan sa Parokya, isang proyekto sa ilalim ng Social Services and Development Ministry (SSDM), bilang pakikiisa ng simbahan sa pagbebenta ng murang bigas, bilang serbisyo sa mga maralitang taga-Paltok.
Ang Bigasan Coordinator na si Sis. Cora Dizon ang namamahala sa pagbebenta ng murang bigas, sa tulong ng mga pili niyang volunteers. Sila ay may mga kaukulang dokumento tulad ng rice allocation card, NFA rice receipts, delivery receipts, Family Access Cards (FAC), listahan ng mga beneficiaries at buwanang financial report na binibigay sa kura paroko.
Ang mga Bigasan ng Parokya ay sa ilalim ng opisina ng Religious Affairs of Malacañang at ng pamamahala ng Diocese of Cubao SSDM Office at ang pondong ginagamit para dito ay galing sa gobyerno.Ang isang parokya ay nakatatanggap ng mula 17 – 40 na kaban ng bigas sa pamamagitan ng tseke o bigas ng NFA. Ang Resurrection of Our Lord Parish ay unang nabigyan ng 40 kaban noong 28 Agosto 2008. Ang pagbebenta ng bigas ay isinasagawa dalawang beses sa isang lingo (tuwing Biyernes at Sabado) sa kahit sinuman. Hanggang limang kilo ng bigas lamang ang maaaring bilhin ng isang pamilya kada araw. Hanggang sampung kilong bigas ang pwedeng bilhin ng isang pamilya sa isang linggo at 14 naman para sa mga may hawak na FAC. Ang maaaring bumili ng bigas ay mga taong may access card o sa halip nila, ang alinman sa mga sumusunod: ang kanilang asawa, anak na may edad 18 pataas, o mga anak na walang pang 18 na may kasamang matanda.
Bukod sa mga social service programs, tumutugon din ang SSDM sa iba pang mga programa ng simbahan para sa ikauunlad ng komunidad.
Subscribe to:
Posts (Atom)