Tuesday, April 22, 2014

Why FaCEVoc?

by Mercy Grace Riobuya

In its endeavor to increase vocation awareness in the parish, the Vocation Ministry will regularly contribute articles to Sinag Resureksyon, the official parish newsletter, beginning with this issue. This new series will feature vocation stories of priests, seminarians, and nuns who came from our parish; answer Frequently Asked Questions (FAQs) about the priestly and religious life; and highlight the various activities of the ministry.

The ministry adopted the term FaCEVoc as the name of this column in the newsletter. FaCEVoc stands for “Family and Community Encouraging Vocation,” which was the very theme adopted at the Vocation Summit held in November 2011 at the Diocese of Cubao. Aside from having almost the same name as that of a well-known social networking site, Facebook, to easily catch the reader’s attention, the ministry would also like to emphasize the role played by families and communities in encouraging vocations.

Families who are living models of the Catholic faith with their members attending Sunday Mass together may inspire a child to respond to God’s call. By allowing their children to be part of liturgical ministry as altar servers, lectors, and choirs, or be active in any church organization, parents already cultivate their children’s vocations and mold them to become better future leaders. Children raised in loving families and by generous parents are more open to offering themselves to God.

Conversely, the parish or community has great influence in encouraging vocations. Parish ministries and organizations provide opportunities for the youth to serve others whom they may eventually inspire and lead to -ward answering God’s call to the priesthood and religious life. Continuing formation programs that engage parishioners to deepen their faith nurture their vocations to service. Moreover, prayer helps much in creating and promoting a vocation culture in the parish.

The family and community not only act as seedbeds of vocation but also as places where vocation is nurtured and strengthened.

PARISH PRIEST'S CORNER | Pagkabuhay ni Kristo: Bagong Buhay Natin

ni Fr. Pong Del Rosario

Ang ng Pasko ng Pagkabuhay ay ‘di lamang lubhang banal at mahalaga para sa pandaigdigang Iglesia. Ito rin ay isang nata-tanging pagdiriwang para sa atin sapagkat ang ating parokya ay niloob ng Diyos na maipangalan at maisa-ilalim sa paggabay at pangangalaga ng Panginoong Muling Nabuhay.

Sa puso ng liturhiya ng Magdamagang Pagdiriwang ng Pagkabuhay ng Panginoon ay ginaganap natin ang Pagsasariwa ng mga Pangako sa Binyag kung saa’y ginagawa rin natin ang pagtatakwil kay satanas at ng kanyang mga gawain, kasinungalingan at pang-aakit. Ito ang tuwinang hamon sa pang araw-araw nating pamumuhay:

Ang MAGPASAKOP sa Diyos at MAGTAKWIL sa diyablo;

Ang SUMUNOD sa kalooban ng Diyos at lumayo sa pang-aakit at panunukso ng diablo;

Ang TUMANGGAP sa liwanag, pag-ibig, katotohanan at buhay ng Diyos, at tumanggi sa dilim, galit, at
kasinungalingang galing sa diyablo.

Tayo’y ginawang mga anak ng liwanag ng muling-pagkabuhay ng Pangi-noong Hesukristo. Tayo’y binago na, nilinis na ng tubig ng Binyag at inilig-tas na ng Katawa’t Dugo ni Kristo sa Eukaristiya. May kakayahan na tayong magbagong-buhay, magpatawad, mag-ing malaya sa paglilingkod, magbuklod at magbuo ng sambayanang Kristiyano.

Tayo’y hinango na ng Panginoong Muling Nabuhay mula sa dilim, kasalanan at kamatayan. Huwag na tayong umurong. Huwag na tayong bumalik sa dati. Huwag na tayong magpadaig sa mga luma nating kahinaan at kasalanan.

Mga kaibigan, kaparokya, kapamilya, mga nakatatanda’t kabataan, mga magulang, at mga kapitbahay:

Maging sanhi at pasimuno tayo ng pagbabago at pagbangon ng ating parokya, ng ating pamayanan.

Pagningningin natin ang liwanag ni Kristo sa ating kababaang-loob, paggagalangan, paglilingkod, pagpapatawaran, pagtataguyod, at pagpapalitaw ng magandang pagkatao at kabutihan ng bawat isa.

Isa pong maligaya, mapagpala, mapagpanibagong PASKO ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling-Pagkabuhay ng PANGINOONG HESUKRISTO sa inyong lahat!

BALITANG PAROKYA | Holy Heroes Formation sa ROLP

nina Jordeene Sheex Lagare at Angelli Tugado

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Taon ng mga Layko (2014), nagsagawa ng Holy Heroes Formation Workshop sa parokya noong 30 Marso 2014, 1:00 n.h. hanggang 7:00 n.g.

Sa pangunguna ng core group ng Formation Ministry, layunin ng workshop na ito, na dinaluhan ng halos 30 miyembro ng ROLP Parish Pastoral Council, na imulat at hubugin ang puso’t isipan ng bawat isa tungo sa pagpapalawig ng kanilang pananampalataya.

Nahahati sa apat na paksa ang naturang formation: Lay Your Heart to be Holy, Lay Down Your Life to be a Hero, Lay the Foundation of the Holy Heroes, and Lay Out Your Heart and Mind… Your Whole Life. Binigyan diin ang ilang batayang aspeto ng buhay-Kristiyanong Katolika: ang sakramento ng pagbibinyag, na nagpapatibay ng pagiging minamahal (beloved) ng Diyos; ang sakramento ng kumpil, tawag sa pagtanggol ng katotohanan at pananampalataya; si Maria, Ina ng Diyos bilang modelo ng pagiging banal na bayani, at ang tawag sa pagsasabuhay ng mga halagang Kristiyano nang may buong tapang at lakas sa kabila ng mga ka-hinaan. Kakayanin natin sa pagtutulungan o “bayani-han” at sa biyaya ng Diyos.

BALITANG PAROKYA | Youth Fusion 2.0, Matagumpay na Idinaos

ni Dianne Orendain

Mahigit 60 kabataan mula sa iba-ibang organisasyon ang nagtipon sa “Youth Fusion 2.0: Reawakening the Faith” noong 15 Marso 2014 sa ating parokya. Layunin ng nasabing aktibidad na pagtibayain at alaganapin ang maagang paglingkod sa Diyos at sa simbahan, at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa pagiging tunay na Katoliko.

Ibinahagi ni Fr. Pong del Rosario ang naging buhay nina Sta. Maria Goretti at San Pedro Calungsod. Sa murang edad, naipamalas nila ang tunay na pagnanais na maglingkod sa Diyos. Sila ri’y mabubuting huwaran ng kalinisan ng kalooban. Hinikayat ni Fr. Pong ang bawat kabataan na sundin ang mabuting halimbawa ng dalawang santo bilang kabataan, pag-asa ng bayan, at lingkod ng Simbahan.

BALITANG PAROKYA | 'Sang Dosena sa 'Sang Taon, Inilunsad

ni Jordeene Sheex Lagare

Makaraan ang dalawang piyesta, muling naglungsad ng isang fund-raising activity ang ating parokya noong 2 Marso 2014, sa misa nang ika-10 ng umaga.

Pinamagatang "'Sang Dosena sa ‘Sang Taon", isa itong direct solicitation sa bawat pamilya, indibidwal, o grupo na hinihiling na magbigay ng isang libong piso (Php1,000) buwan-buwan upang makabuo ng labing dalawang piso (Php12,000) sa loob ng isang taon.

Ang nabuong halaga ng perang malilikom buwan-buwan ng naturang gawain ay ibubunyag kada buwan. Gagamitin ang pondo para sa simbahan sa mga sumusunod: mga espiritwal na gawain, mga gawaing nagpapatibay ng  stewardship, pagpapanatili ng kaayusan at ganda ng ating parokya, pangangalaga ng mga pasilidad sa parokya, at mga gastusin sa pamamahala ng ating simbahan.

Mula nang simulan ang naturang fund raising, nakalikom na sa ngayon ang ating parokya ng P150,000.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng ating parokya; kay Via Tanglao, Parish Pastoral Council Coordinator; kay Dollie Basa, Finance Committee Coordinator; o sa mga kawan leaders: Kawan 1 – Leslie Mendezabal, Kawan 2 – Jingle Angsantos, Kawan 3 – Malou de Guzman, Kawan 4 – Vicky del Rosario, Kawan 5 – Rose Vinarao, Kawan 6 – Wilma Mistiola, Kawan 7 – Cristy Dumol, Kawan 8 – Nelly Gonzales, at Kawan 9 – Lynn Teodosio.

BALITANG PAROKYA | Street Mass, Ibinalik

ni RonRon Siervo

Makalipas ang halos isang taon, ibinalik ang pagsasagawa ng street mass sa ating parokya noong 10 Enero 2014. Ginaganap ito tuwing Biyernes at Sabado sa ganap na ika-anim at kalahati ng gabi.

Layunin nito na ilapit si Hesus sa ating mga kabarangay lalung-lalo na sa mga taong walang oras na pumunta sa simbahan at nakalilimot sa kanilang pananampalataya.

Sa pamamagitan ng street mass, nailalapit din ang mga tao sa ating parokya at sa ating kura paroko na si Fr. Pong Del Rosario. Ang pagdadaraos ng misa sa kalsada ay pinangungunahan ng “core group” ng Munting Simbahang Kapitbahayan (MSK).

UNAWAIN NATIN | Katesismo sa Bagong Credo: Artikulo 11 hanggang 12

ni Riza Rollo

And I look forward to the Resurrection of the dead and the life of the world to come. Amen.

Binibigyan tayo ng pagkakataon ng Diyos Ama na magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isa sa mga pagkakataong ito ay ang pananalig natin kay Jesus. Ayon sa Juan 6:40, “Sapagkat ito ang kalooban ng ak-ing Ama: ang lahat ng makakakita at manalig sa Anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Kung naniniwala tayo kay Jesus habang tayo ay nabubuhay dito sa lupa, muli Niya tayong bubuhayin sa huling araw upang ating makamit ang buhay na walang hanggan.

Ipinagkaloob Niya sa atin ang kanyang Bugtong na Anak upang ilayo sa kapahamakan at mahalin nang sa ganoon, magkaroon pa rin tayo ng buhay na walang hanggan. Sa simula pa lamang, nakita natin na nais ng Diyos Ama na makamtan natin ang buhay na walang hanggan. Sabi sa Juan 3:16, “Gayon na lamang ang 
pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ngunit minahal tayo ni Jesus. Inialay Niya ang sariling buhay. Siya ang naging daan natin para mas mapalapit tayo sa Kanya. Ngayon, ito ang sumisimbolo sa Eukaristiya na tinatanggap natin para makamit ang kalooban ng Panginoon.

Isinasaad din sa Mateo 25:34 na kapag dumating na ang araw na iyon, “Sasabihin ng Hari, halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan...” Kung naniniwala tayo kay Jesus, tiyak na ipinaghahada Niya tayo ng ating titirhan sa langit at doon mananahan kapiling ang Panginoon.

Ang buhay na walang hanggan ay nangangahulugan ng buhay na may ibayong anyo ng Espiritu ng Diyos patungo sa lubos na kaganapan ng bawat dimensiyon ng ating pangkasalukuyang buhay sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Mul-ing Pagkabuhay, binuksan ni Kristo ang pintuan sa langit. Binuksan niya ito sa pamamagitan ng pagmamahal Niya sa atin. Ang bunga ng pagmamahal na ito ay ang Eukaristiya na ating tinatanggap na siyang daan sa buhay na walang hanggan.

Source: Juan 3:16, 6:40; Mateo 25:34; Vatican II GS 38, KPK 2060

Monday, April 21, 2014

COVER STORY | Year of the Laity: Saints and Heroes in Us

by Christine Ann Amante

This will be a huge milestone for the Catholic Church, which on 2021, will be marking the 500th year of the arrival of Christianity in the Philippines. As you might have heard from your history class, the year 1521 saw Ferdinand Magellan arriving on the Philippine shores and celebrating the first Mass in the Limasawa island of Cebu. Over the centuries, the Christian faith has spread throughout the archipelago, making the Philippines the fifth largest Christian country in the world.

To prepare for this Great Jubilee of 2021, the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) has set a nine-year period for the Church to undertake intensive evangelization. This nine-year journey began in 2013 with the theme “Integral Faith Formation,” which coincided with Pope Emeritus Benedict XVI’s declaration of the Year of Faith. Now, this year 2014  is dedicated to YOU — the lay faithful — as the Year of the Laity.

WHO ARE THE LAITY?
“Laity,” comes from the Greek word “Laos,” which means “people”. The laity, according to the Second Vatican Council, include “all the faithful except those in Holy Orders and those who belong to a religious state sanctioned by the Church.” They are made one body in Christ through baptism. In other words, they are “all the faithful” who are neither priests nor nuns nor members of a religious state. They make up more than 99 percent of the Church’s population. They are, in essence, most of us.

For the Year of the Laity, the CBCP has chosen the theme, “Filipino Catholic Laity: Called to be Saints. Sent Forth as Heroes.” In his message, CBCP President and Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas urged everyone to “choose to be brave” and be not afraid to be Catholics.

When you were baptized, you partook in the promises and graces of the Holy Spirit. You are consecrated and, like Christ, you share in the sacred duty to spread the Gospel through your words and actions.

This, however, may be easier said than done given our shortcomings as human beings. Thus, the Church has devoted itself to the “renewal of the [lay faithful], so that they may indeed take up their role as co-responsible agents of evangelization and take in the task of social transformation,” to reach out to those who are in need.

The 12 sectors of society (Jubilees) represent the different groups of people who are in need of love, care and help of every Christian. By reaching out to these sectors, the lay person chooses to be brave.
  1. Non-practicing Catholics - How can you help bring back to the Church our brothers and sisters who stopped going to Mass or have left the church for other religious denominations?
  2. Young Professionals - How can you help empower young professionals and make them active co-actors in social change?
  3. Broken Families - How can you reach out and help broken families receive God’s healing in their homes?
  4. Homeless and Jobless - How can you support informal settlers and contractual workers through church-led programs?
  5. Homebound and Prisoners - How can you help restore hope to the sick, handicapped, elderly, and prisoners?
  6. Farmers, Fisherfolk, and Laborers - How can you inspire struggling laborers to become effective agents of evangelization?
  7. Troubled Friends - How can you give comfort and encouragement to those who battle with addiction to drugs, alcohol, sex, gambling and cyberspace?
  8. Government Employees - How can you instill virtues of integrity and honesty among our public servants?
  9. Civic Organizations - How can you champion volunteerism to promote the social transformation of civic organizations?
  10. Public School Teachers - How can you support the formation of educators to enable them to teach students virtues worthy of emulation?
  11. Indigenous Peoples (IP) - How can you take part in an initiative that recognizes exemplary Catholic leaders of IP?
  12. Lay Saints and Catholic Filipino Heroes - How can you campaign against Halloween scare and inspire people to live holy lives?
We, the laity, must stand up for Christ in our daily lives. Driven by love, we can reach out and evangelize along with our brothers and sisters, who, much like us are struggling in many ways, yet are striving to go out into the world as heroes.

For more information about the Year of the Laity and its activities, visit www.choosetobebrave.org.

Taon ng mga Layko: Pagninilay sa Apat na Sektor ng Lipunan

ni John Harvey Bagos

Ang mga layko ay ang pinakamahalagang sangkap ng simbahan na kinakikitaan ng tunay na pagkakapatiran at pagkakaisa. Sinasabing sa buhay na simbahan lumilitaw ang aktibong mga layko na handang magbigay hanggang sa huli ng kanilang kakayahan upang maglingkod sa kanilang kapwa. Ngayong ipinagdiriwang natin ang Taon ng mga Layko, magbigay at mamili tayo ng ilang sektor sa ating lipunan na nais nating subukang palakasin, bigyan ng lubusang pagpapahalaga at ng tulong upang lalo nila mabatid ang kani-kanilang halaga bilang kabilang sa iisang Simbahan.

Nais kong pagtuunan ng pansin ang apat sa labing dalawang pangunahing sektor sa Taon ng mga Layko: ang mga wasak na pamilya, ang mga nasa bilangguan at mga nakatatanda, ang mga nalulong sa masasamang bisyo, at ating mga kapatid na walang hanapbuhay at tahanan, upang higit nating maunawaan ang kanilang halaga sa ating komunidad at lipunan. Marahil mababatid natin ang kanilang pagkakaugnay at pagkakatulad. Ang apat na sektor na ating nabanggit ay lubusang hindi naririnig, hindi nababatid, at higit sa lahat, hindi nabibigyan ng karapatan upang mapakinggan, maka-ugnayan, at matulungan.

Kaya naman, kinakailangang palakasin ang mga programa ng buong simbahan para sa mga layko at mananampalataya upang ang mga walang tahanan ay mapakinggan, matulungan, nang sa gayon maipabatid sa kanila ang halaga ng mabuting pamamahala at pakikipag-ugnayan. Bigyan sila ng wastong mga programa sa pag-iimpok upang magkaroon sila ng matatawag nilang tahanan na may pag-ibig.

Ang mga laykong nalulong naman sa mga masasamang bisyo ay mabigyan ng pagkakataong maiangat ang kanilang dignidad at pagkatao. Ito ay upang ang mga nawawalan ng pag-asa dahil sa kanilang estado at kinalalagyan sa buhay ay magkaroon ng pagpapanibagong tumalima sa at tumanggap ng nagpapabagong pagmamahal mula sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan, at komunidad na kanilang kinabibilangan.

Ang mga nabibilang naman sa wasak na pamilya ay mabigyan nawa ng tulong upang magkaroon ng ibayong lakas ng loob na paninindigan ang  halaga ng bawat miyembro ng pamilya. Nawa’y magkaroon din sila ng lubos na pagmamahalan at respeto sa isa’t isa. Mabatid nawa ng mga magulang ang kanilang pananagutan sa kanilang mga anak upang mas lalong maramdaman ng mga anak na hindi sila iba sa nakakarami.

Harinawa, ang mga nakatatanda at yaong nasa kulungan ay mabigyan ng sapat na pangangalaga at importansya. Sila ay magkaroon ng lubusang atensiyon at tulong sa anumang mga pangangailangan nila. Ang mga nasa piitan ay magkakaroon ng pagkakataong maipanumbalik ang halaga at saysay ng kanilang buhay, at sa pamamagitan ng mga paghuhubog sa kanila ay mai-balik ang wastong tiwala at respeto sa kanilang sarili.

Kaya naman kinakailangan nating bigyang pansin ang mga naisasantabing sektor ng ating lipunan at pamayanan sa simabahan. Sapagkat marahil isa ito sa ating magiging unang hakbang upang lalong mabigyan ng atensyon ang ating mga layko. Ito’y dahil sa ang mga layko, sa simula’t simula pa ng pananampalataya sa ating bansa, ay ang ating mga tagapagpa-hayag ng Mabuting Balita. Kaya naman ito ang mga itina-tanong sa ating lahat: Napapansin pa nga ba natin ang mga pangkaraniwang layko na ating nakakahalubilo, nang walang pinapanigan at walang pagmamalaki?  Tumutugon ba tayo sa paanyaya ng Panginoon sa pagpapahayag ng Mabuting Balita sa isip, salita, at gawa? Nagiging bukas ba tayo sa paanyaya ng mabuting mga tagapangasiwa ng ating simbahan?

Nawa sa pagdiriwang ng taon na ito, patuloy na maipunla sa ating puso ang lubusang ugnayan natin sa ating mga kapatid, lalo na ang mga sektor na ating pinagnilayan na minsa’y hindi natin pinakinggan ni binigyan ng pagkakataon, upang lalo silang magkaroon ng tunay na pagpapalaka.

---

Harvey is a former altar server and legionary of ROLP. Later on, he moved to the Dioese of Novaliches. Once an active catechist, he entered San Carlos Seminary (2009- 2013) for his philosophical studies. At present, he is a 1st Year Theology student at Saint Vincent School of Theology and stays at De Paul House under the Vincentian Fathers.