nina Jordeene Sheex Lagare at Angelli Tugado
Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Taon ng mga Layko (2014), nagsagawa ng Holy Heroes Formation Workshop sa parokya noong 30 Marso 2014, 1:00 n.h. hanggang 7:00 n.g.
Sa pangunguna ng core group ng Formation Ministry, layunin ng workshop na ito, na dinaluhan ng halos 30 miyembro ng ROLP Parish Pastoral Council, na imulat at hubugin ang puso’t isipan ng bawat isa tungo sa pagpapalawig ng kanilang pananampalataya.
Nahahati sa apat na paksa ang naturang formation: Lay Your Heart to be Holy, Lay Down Your Life to be a Hero, Lay the Foundation of the Holy Heroes, and Lay Out Your Heart and Mind… Your Whole Life. Binigyan diin ang ilang batayang aspeto ng buhay-Kristiyanong Katolika: ang sakramento ng pagbibinyag, na nagpapatibay ng pagiging minamahal (beloved) ng Diyos; ang sakramento ng kumpil, tawag sa pagtanggol ng katotohanan at pananampalataya; si Maria, Ina ng Diyos bilang modelo ng pagiging banal na bayani, at ang tawag sa pagsasabuhay ng mga halagang Kristiyano nang may buong tapang at lakas sa kabila ng mga ka-hinaan. Kakayanin natin sa pagtutulungan o “bayani-han” at sa biyaya ng Diyos.
Tuesday, April 22, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment