ni Jordeene Sheex Lagare
Makaraan ang dalawang piyesta, muling naglungsad ng isang fund-raising activity ang ating parokya noong 2 Marso 2014, sa misa nang ika-10 ng umaga.
Pinamagatang "'Sang Dosena sa ‘Sang Taon", isa itong direct solicitation sa bawat pamilya, indibidwal, o grupo na hinihiling na magbigay ng isang libong piso (Php1,000) buwan-buwan upang makabuo ng labing dalawang piso (Php12,000) sa loob ng isang taon.
Ang nabuong halaga ng perang malilikom buwan-buwan ng naturang gawain ay ibubunyag kada buwan. Gagamitin ang pondo para sa simbahan sa mga sumusunod: mga espiritwal na gawain, mga gawaing nagpapatibay ng stewardship, pagpapanatili ng kaayusan at ganda ng ating parokya, pangangalaga ng mga pasilidad sa parokya, at mga gastusin sa pamamahala ng ating simbahan.
Mula nang simulan ang naturang fund raising, nakalikom na sa ngayon ang ating parokya ng P150,000.
Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng ating parokya; kay Via Tanglao, Parish Pastoral Council Coordinator; kay Dollie Basa, Finance Committee Coordinator; o sa mga kawan leaders: Kawan 1 – Leslie Mendezabal, Kawan 2 – Jingle Angsantos, Kawan 3 – Malou de Guzman, Kawan 4 – Vicky del Rosario, Kawan 5 – Rose Vinarao, Kawan 6 – Wilma Mistiola, Kawan 7 – Cristy Dumol, Kawan 8 – Nelly Gonzales, at Kawan 9 – Lynn Teodosio.
Tuesday, April 22, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment