ni Riza Rollo
And I look forward to the Resurrection of the dead and the life of the world to come. Amen.
Binibigyan tayo ng pagkakataon ng Diyos Ama na magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isa sa mga pagkakataong ito ay ang pananalig natin kay Jesus. Ayon sa Juan 6:40, “Sapagkat ito ang kalooban ng ak-ing Ama: ang lahat ng makakakita at manalig sa Anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
Kung naniniwala tayo kay Jesus habang tayo ay nabubuhay dito sa lupa, muli Niya tayong bubuhayin sa huling araw upang ating makamit ang buhay na walang hanggan.
Ipinagkaloob Niya sa atin ang kanyang Bugtong na Anak upang ilayo sa kapahamakan at mahalin nang sa ganoon, magkaroon pa rin tayo ng buhay na walang hanggan. Sa simula pa lamang, nakita natin na nais ng Diyos Ama na makamtan natin ang buhay na walang hanggan. Sabi sa Juan 3:16, “Gayon na lamang ang
pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ngunit minahal tayo ni Jesus. Inialay Niya ang sariling buhay. Siya ang naging daan natin para mas mapalapit tayo sa Kanya. Ngayon, ito ang sumisimbolo sa Eukaristiya na tinatanggap natin para makamit ang kalooban ng Panginoon.
Isinasaad din sa Mateo 25:34 na kapag dumating na ang araw na iyon, “Sasabihin ng Hari, halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan...” Kung naniniwala tayo kay Jesus, tiyak na ipinaghahada Niya tayo ng ating titirhan sa langit at doon mananahan kapiling ang Panginoon.
Ang buhay na walang hanggan ay nangangahulugan ng buhay na may ibayong anyo ng Espiritu ng Diyos patungo sa lubos na kaganapan ng bawat dimensiyon ng ating pangkasalukuyang buhay sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Mul-ing Pagkabuhay, binuksan ni Kristo ang pintuan sa langit. Binuksan niya ito sa pamamagitan ng pagmamahal Niya sa atin. Ang bunga ng pagmamahal na ito ay ang Eukaristiya na ating tinatanggap na siyang daan sa buhay na walang hanggan.
Source: Juan 3:16, 6:40; Mateo 25:34; Vatican II GS 38, KPK 2060
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment