Tuesday, March 25, 2014

BALITANG PAROKYA | Kasalang Simbahan, Tagumpay

ni Rhea Jomadiao

MATAGUMPAY na naidaos ang taunang Kasalang Simba-han sa ating parokya noong 16 Nobyembre 2013.

Sa suporta ni Fr. Pong del Rosario at pangunguna ng Family and Life Ministry na kinabibilangan ng Marriage Encounter Prayer Community at Couples for Christ, 13 pares ng mag-asawa ang naipakasal sa ating simbahan.

“Sulit ang pagod at pagsisikap namin sapagkat nakita namin ang kaligayahan ng mga ikinasal, hiling naming mag-asawa na sa mga susunod na taon ay dumami pa ang nais makatanggap ng biyaya ng kasal mula sa Panginoon,” sabi nina Lito at Wilma Mistiola, ang mga coordinator ng nasabing ministry.

No comments: