Monday, March 24, 2014

DIWA NG PAROKYA | Pasko ay Pag-ibig

ni Terry Magnaye

Naamoy ko na Pasko sa paligid
Ang dapyo ng hangin ay mahalumigmig
Hinahaplos-haplos balat mong makinis
Ang ibinabadya Pasko’y nalalapit.

Sa loob at labas ng mga tahanan
Sa mga pader, halamanan at durungawan
Ang ilaw dagitab, nagpapaligsahan
Kumikindatkindat, kumakaway-kaway.

Ligaya ang dulot ng Sanggol sa Belen
Mayaman o Dukha, may isang hangarin
Ang likas na buting nasa puso natin
Nagbuhat sa Diyos nang tayo’y lalangin.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat.

No comments: