ni Dianne Orendain
Upang ipagdiwang ang ika-10 taong anibersaryo ng Diyosesis ng Cubao, isang konsiyerto ang ginanap sa Blue Eagle Gym ng Ateneo de Manila University noong 25 Nobyembre 2013. Dinaluhan ang nasabing konsiyerto ng mga parokyano mula sa iba’t ibang simbahan, kasama na rito ang may 80 katao mula sa ating parokya. Tampok sa konsiyertong ito ang pagtatanghal ng mga kaparian ng ating Diyosesis kabilang si Bishop Honesto Ongtioco. Sa temang “From Roots to Fruits,” inilahad ng programa ang pag-usbong at paglago ng Diyosesis sa pananampalataya sa loob ng limang bahagi: Panimula, Pangarap, Pagpapastol, Pagkalinga, at Panalangin. May ipinalabas na maikling video sa bawat bahagi. Labis na ikinatuwa ng mga manonood ang ipinakitang angking talento sa pagkanta at pagsayaw ng kaparian, at mga kilalang mananayaw na The Manuevers at mang-aawit tulad nina Dulce, Four Tenors, Isay Alvarez, Robert Seña, Hail Mary the Queen Children’s Choir at ang Korong ng 50 na tao na nagmula sa iba’t ibang parokya ng diyosesis.
Ang di-malimutang konsyerto ay naging pagkakataon din upang matulungan ang mga nasalanta ng lindol at ng bagyong Yolanda sa kabisayaan. Sa buong haba ng konsyerto, nag-am-bag ang mga manonood ng salapi at relief goods. Umabot ang nilikom na salapi sa halagang 1.3 milyong piso. Naglaan din ng tahimik na panalangin para sa lahat ng naapektuhan ng kalamidad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment