Tuesday, February 2, 2010

Ang Korona ng Adbiyento

mula sa aklat na “The Family Advent Wreath (Cycle C): A Family’s prayer guide
to a meaningful Christmas celebration” ni Ma. Lordes Evidente-Domingo


Isinalin ni Maui Salang

Inspirasyon
Ang korona ng Adbiyento ay nagsimula noong 1833 sa mga
Protestante ng Hamburg, Germany. Bilang paghahanda sa
pagdating ng Pasko, pinamunuan ni Pastor Johann Wichern
ang isang seremonya na kung saan itinayo niya ang isang
malaking krus na bawat kanto nito’y tinirikan ng kandila.
Nang maglaon, gumamit si Wichern ng malaking kahoy
na hugis bilog na pinalibutan ng mga dahon ng pino at
maraming kandila na kanyang isinabit sa kisame. Ang mga
kandilang ito ay isa-isang sinisindihan, na ang bawat apoy
nito ay sumisimbolo sa pagtungo ng mga taong naghihintay
sa pagdating ng Anak ng Diyos.
Makalipas ang isang daang taon, nakita ng mga Katoliko
ang halaga ng seremonya. Ang korona ng Adbiyento ay
naging bahagi ng tradisyon ng pagdiriwang ng Adbiyento sa
buong Simbahan at mga pamilyang Katoliko.

Mga Simbolo/Tanda

Korona
Sa kasaysayan, ang koronang yari sa dahon ay ipinuputong
sa ulo ng mga taong natatangi at iginagalang sa lipunan.
Madalas, ito rin ay ibinibigay sa mga tao bilang pagkilala sa
kanilang tagumpay na nasusukat sa kanilang galing, talino
at lakas.
Ngunit ibang klaseng tagumpay ang tinutukoy ni San
Pablo sa kanyang unang sulat sa mga Corinto. Tinutukoy
niya ang pagkamit ng mga Kristiyano sa korona ng buhay na
walang hanggan.
Nawa’y ang korona ng Adbiyento ay maging ating
tanda ng pagkilala sa atin ng Diyos sa Kanyang pagdating.
Nawa’y tumulad tayo kay San Pablo na pagtuunan ng pansin
ang mga bagay na makatutulong sa pagkamit ng buhay na
walang hanggan.

Mga Kandila
Iniilawan ang mga kandila sa korona ng Adbiyento
bawat linggo bilang tanda ng nalalapit na pagdating ng
Tagapagligtas, upang palayain ang mga taong nabubuhay sa
kadiliman.
Sa Kanyang pagdating nabubuhay ang pag-asa, sapagkat
hindi lamang Niya dala ang pag-asa ng buhay na walang
hanggan sa piling ng Maykapal, bagkus dala rin Niya ang
mabuting balita na, habang tayo ay nabubuhay sa mundo, ay
may pagkakataong madama ang kasiyahang mula sa Kanya.
Nawa’y ang liwanag ng bawat kandila ng Adbiyento ay
maging tanda ng pag-asa at masayang paghihintay sa
bagong langit at bagong daigdig na ang tahanan ng Diyos
ay nasa puso ng bawat tao. Higit pa rito, nawa’y ang liwanag
ng mga kandila ay maging simbolo ng paglago ng espiritu ng
Diyos sa atin upang maging karapat-dapat tayong tanggapin
ang Diyos sa kanyang pagdating.

Mga Kandilang Kulay Ube
Ang Adbiyento ay may katangiang pampenitensiya na
kinakailangan ang paghahandang ispiritwal para sa pagdating
ng paghatol. Ang kulay ube ay simbolo ng penitensiya.
Bagamat kulay ube ang ginagamit sa Adbiyento, ang kulay
na ito ay nangangahulugan ng pangungulila sa pagdating ng
Tagapagligtas, at ng ating hangarin na makasama ang ating
Amang nasa langit.

Ang Kandilang Kulay Rosas Ang ikatlong linggo ng
Adbiyento, kung saan ang kandilang iniilawan ay kulay rosas,
ay su misimbolo sa masayang pag-antabay sa pagdating ni
Kristo. Ang pagpalit mula sa kulay ube sa kulay rosas ay tanda
ng papalapit na katuparan sa pangakong kaligtasan.
Ang apat na kandila sa korona ng Adbiyento ay para
sa apat na linggo ng Adbiyento, na sumasagisag sa apat na
libong taong paghihintay ng mga Hudyo sa Mesiyas. Ang
bilog na hugis ng korona ay pinaniniwalaang simbolo ng
pagka-walang hanggan ng Diyos dahil ang bilog ay walang
simula at katapusan.

Ang Krus: Ang Sentro ng Korona ng Adbiyento
Ang panahon ng Adbiyento ay nagpapaalaala ng dalawang
mahahalagang pangyayari sa buhay Kristiyano: ang isa ay
ang kapanganakan ni Kristo, ang ikalawa naman ay ang
Kanyang ikalawang pagbabalik. Mahalaga ang papel ng
krus sa dalawang pangyayaring ito. Ang ating kaligtasan
sa pamamagitan ng sakripisyo ng Panginoon sa krus ay
nagpahintulot na maipagdiwang natin ang Kanyang
kapanganakan. At sa pamamagitan ng Kanyang Muling
Pagkabuhay ay nabigyan tayo ng pagkakataong magkaroon
ng buhay na walang hanggan sa piling ng Panginoon. Dahil
sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon, tinubos
Niya ang mundo at tayo ay naging Kanya. At ang biyayang
ito ang nagbigay sa atin ng pangakong kaligtasan, na
maisasakatuparan sa Kanyang muling pagbabalik. Nawa’y
ang krus ni Hesukristo ay maging sentro ng ating paghihintay.
Pagnilayan natin ang kahalagahan ng krus habang ating
hinihintay ang Kanyang pagdating.

BALITANG
PAROKYA


Entablado sa patio, matatapos na!

Matatapos nang gawin ang
entabladong paitaas ng Patio Resurrección
kung saan gaganapin ang lahat ng mga
pagtatanghal at gawaing pansimbahan.
Ayon kay Engr. Marigor del Rio,
ang namamahala
sa konstruksyon ng
naturang patio, 97% nang tapos ang
entablado ngunit pansamantalang
inihinto ang paggawa nito dahil sa
kakulangan ng pondo. Sa kabuuan,
Php1,217,654.82 na ang naigugol para
rito na nagmula sa mga fund-raising
programs na Reyna Resureksyon 2009
at Light a Tree 2008.

Ang nasabing entablado na may sukat
na 3m x 12m at idinisenyo na may storage
room sa ilalim na maaaring paglagyan
ng mga kagamitan ng simbahan; ito ay
sinimulang itayo noong 13 Abril 2009
at umabot ang konstruksyon hanggang
31 Oktubre ng kasalukuyang taon.
Matatandaang naunang gawin ang
sahig ng patio na natapos noong 11
Oktubre 2008.
Ang pagpapagawa ng Patio Resurrección
ay bahagi ng ROLP master plan 2009,
kabilang dito ang pagpapaganda at
pagpapahusay ng ating parokya.
Lubos na nagpapasalamat ang
ating kura paroko at ang bumubuo ng
sangguniang pastoral (PPC) sa lahat ng
patuloy na sumusuporta sa mga proyekto
ng ating parokya. Para sa mga nais
tumulong sa pagpipinta at paglalagay
ng mga ilaw sa entablado ng patio,
magsadya lamang sa opisina ng ating
parokya. - Jordeene Sheex B. Lagare

ROLP’s dedication scheduled

On 16 January 2010, at 9:00 a.m.,
our church will officially be dedicated
and consecrated in rites to be officiated
by Bishop Honesto Ongtioco, D.D.,
together with our parish priest, Fr.
Ronald Macale.
Based on Fr. Ronald’s research, our
parish church has already been blessed
but not yet dedicated. But since a fixed
altar, baptismal font, lectern, and an
ambry will soon be built with the help
of a generous donor, the dedication and
consecration have now been scheduled.
Different working committees have
been put up and meetings on the said
occasion have already been held. Fr.
Noi Paciente, our guest priest has been
designated by our parish priest to be the
over-all committee head, assisted by the
Parish Pastoral Council coordinator,
Dollie Basa.-
Leslie Mendezabal

No comments: