Tuesday, February 2, 2010

Diwa ng Parokya

Bilang handog kay Fr. Ronald sa kanyang pagdiriwang
ng ika-17 anibersaryo sa pagkapari sa 03 Disyembre,
matutunghayan sa Diwa ng Parokya column ang mag artikulo ukol sa kanya. Ito rin ay inilathala upang makilala
pa natin nang lubos ang ating kura paroko na naglilingkod
sa ating parokya sa kanyang ikalawa at huling termino.

Mga Kwento ng Pasasalamat at Inspirasyon
ni Rhea F. Jomadiao

Lingid sa kaalaman ng iba sa atin at maging ni Fr. Ronald mismo na siya pala ay
nagsisilbing inspirasyon ng ilan sa mga taga-Paltok na minsan niyang binigyangpansin,
dinalaw, ginawaran ng sakramento at binigyan ng pag-asa at lalo pang
pinag-alab ang pananampalataya sa Diyos. Sila ang ilan lamang sa mga taong
natulungan ni Fr. Ronald, hindi lamang sa aspetong espirituwal kundi maging sa
pisikal at emosyonal na aspeto ng buhay. Ang sumusunod ang kanilang kwento at
mensahe sa ating kura paroko.

Ramon Royo,Natividad St.: “Okey si Fr. Ronald, naalala ko noong una ko siyang
nakilala at nagpunta siya sa bahay ko, napansin ko na tinitingnan niya ang loob ng
bahay ko at pagkatapos ay tinanong niya ako kung paano ko naitataguyod ang
pang-araw-araw kong pangangailangan, ang sabi ko naman may maliit akong
pinapaupahang kuwarto, na-touch ako kay Fr. Ronald dahil sino ba naman ako para
pag-aksayahan niyang dalawin sa aking maliit na bahay? Iba siya talaga, maganda
siya magmisa, naiinspire ako sa mga homily niya dahil ipinapaliwanag niyang
mabuti sa mga tao ang kahulugan ng ebanghelyo sa kakaiba niyang pamamaraan.”

Lydia Dela Cruz,Hermosa St.: “Mabuti siyang tao, siya lang ang paring dumalaw
sa akin, sana ay patuloy niya akong ipagdasal upang bumilis ang aking paggaling”.

Baby Gelloani, Hermosa St.: “Nakilala ko si Fr. Ronald nang magkaroon ng street
mass sa amin dito sa Hermosa, kasi pagkatapos ng misa, dito siya kumain sa bahay
namin. Napansin ko kay Father, madali siyang malapitan; para ko siyang kapatid,
hindi ako naiilang sa kanya. Isa siyang mabuting tao; natatouch ako sa mga homily
niya’.

Regalada Basilio,Ilagan St.: “Nagpapasalamat ako sa kanya, hindi niya kami
kaanu-ano pero naalala niya kaming dalawin. Sana ipagpatuloy niya kaming
ipagdasal. Salamat po Fr. Ronald!”.

Lucilita Relox & Adoracion Relox,Kundiman St.: “Nagpapasalamat kami sa
kanya dahil marami siyang magagandang proyekto sa ating simbahan, sa lahat ng
paring nakilala ko siya lang ang nakagawa at nakaisip maglunsad ng pagbibigay
ng relief goods sa mga naapektuhan ng bagyo dito sa ating parokya. Maraming
salamat Father, mabuhay ka!”

Segundina Relon,Matias St.: “Nakakataba ng puso ‘yang si Father, dahil magaan
ang loob niya sa mga tao, hindi siya maarte, may pagka- istrikto pero nasa lugar
naman. Basta bilib ako sa kanya, mahal ka namin Fr. Ronald”.

Ang Bespren kong Pari
ni Leslie E. Mendezabal

May isang pari akong nakilala
Fr. Ronald ang ngalan n’ya
Sa parokya ng Resureksyon s’ya
pansamantalang nakatira.
Kung siya ay titingnan; kung siya’y
pagmamasdan
Sa hitsura niya’y tiyak kang maiilang.
Sa kanyang tindig at porma tiyak
kang mapapahanga
H’wag magtaka ‘pagkat siya’y
magaling na basketbolista.

Siya’y walang kiyeme sa katawan
Sa ugali at pananamit
napakasimpleng tingnan
ikumpara sa alak, swabe sa
lalamunan.

Sa homiliya siya ay laging nakahanda.
Gabay sa ebanghelyo,
mat’yagang nililikha
Maging hanggang sa bukluran ito
ay napapakinabangan.

Sa ating parokya, marami ang
ginawa
pagpapabuti ng simbahan, maging
ng mga kawan;
misa sa kalsada, pagdalaw ni Maria,
prusisyon at mga programang
bongga.

Kay Fr. Ronald lahat ay bida
Bata, matanda, mayaman man o
dukha
Kaya naman mga tao sa parokya
sa kanya ay tuwang-tuwa.
Pagpapalalim ng pananampalataya;
pagpapalapit ng tao sa D’yos na
lumikha
Ito ang layunin o adhika ng bespren
ko na ating kura.

No comments: