Dear Fr. Ronald,
Bakti hindi kinakanta/ibinibigkas ang Gloria kapag Advent?
Kaye Aquino
Dear Kaye,
Ang hindi pagkanta o pagbigkas ng Gloria sa panahon ng Adbiyento
ay nagpapakita ng paghahanda o paghihintay natin sa pagdiriwang
ng Kapaskuhan. Ating inilalaan ang Gloria sa panahon ng Pasko dahil
binibigyan nito ng bagong katuturan ang nasabing himno sa gabi ng
kapanganakan ni Kristo. Ngunit ang Gloria ay kinakanta tuwing simbang
gabi sapagkat ang mga misang ito ay pagpaparangal sa Mahal na Birhen
sa loob ng siyam na araw bago mag-Pasko at para sa lalo pang pagtibay
ng pananampalataya ng sangkatauhan.
Sana’y naunawaan mo Kaye ang aking paliwanag sa iyong
katanungan. Nawa ay pagpalain ka at ang iyong pamilya.
Fr. Ronald
Tuesday, February 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment