Tuesday, February 2, 2010

Voc Chat

VOCATION MINISTRY COLUMN
ni Femie C. Lee

Kapag naririnig
natin ang salitang
bokasyon o
vocation, kadalasang
pumapasok sa ating
isipan ang pagpapari
o pagmamadre.
Ngunit ano nga
ba nga ba ang ibig
sabihin nito?

Ang vocation ay
galing sa salitang
Latin na vocare na
ang ibig sabihin ay
to call.

Sino nga ba ang tumatawag at tinatawag?
Ang Diyos Ama, bilang Manlilikha, ay
may plano sa bawat isa sa Kanyang mga
nilikha na pinakamabuti para sa lahat. Ano
nga ba ang plano o kagustuhan ng Diyos
para sa iyo? Maraming Santo ang nagsabi
na, “Plano ng Diyos ang mapalapit sa Kanya
at sa huli ay mamuhay Kapiling Niya sa
kalangitan”.

Ayon sa Simbahang Katoliko, may tatlong
daang maaari tayong tawagin Niya, ‘ika nga
mga State of Life: Relihiyoso –(Pagpapari
at Pagmamadre), Pagpapamilya at Single
Blessedness.

Mahalagang mayroon tayong pusong
bukas sa pakikinig sa tawag Niya at hindi sa
tawag ng ating sarili. Ang pinakamahusay na
daan ay iyong pinipili tayo ng Diyos upang
sumunod sa Kanya at hindi para sundin ang
ating sarili o kung saan tayo komportable.
May plano Siya na higit pa sa inaakala natin,
ito ay upang ikalat sa buong mundo ang
Kanyang pag-ibig, ang parehong pag-ibig na
pinagmulan natin.

Namuhay si Hesus at mga Santo una sa atin
upang maging modelo natin sa pamumuhay
nang nararapat at banal. At bawat isa sa kanila
ay sumagot sa tawag ng Diyos sa kanila.

Bawat bokasyon ay may kaakibat na
misyon na dapat gampanan upang ang
bawat isa ay manatiling banal at nararapat na
nilalang ng Diyos Ama.

Katulad ng pagtanggap ni Hesus sa Krus
nang walang pag-aalinlangan, handa ka na
bang ibigay ang iyong matamis na oo sa
tawag Niya?

No comments: