Hindi lang sa Paskong darating
Sa pagdating ng isang masayang okasyon,karamihan sa
atin ay masyadong nakatuon sa okasyong magaganap,
na kung minsan ang kasalukuyan ay nawawalan
ng katuturan. Katulad na lang ng adbiyento—ang
panahon bago dumating ang kapaskuhan. ‘Pag
sumapit na ang adbiyento, hindi na mahintay ng mga
tao ang pagdating ng kapaskuhan—ang panahon
ng mga regalo, parties at kung anu-ano pang uri ng
kasiyahang panlabas lamang. Sa ganitong uri ng
sitwasyon, nakakalimutan natin na bigyang pansin ang
kasalukuyan; ang mga simpleng bagay na nangyayari
sa ating palidid; mga taong patuloy na nagmamahal sa
atin, panahon man ng kapaskuhan o hindi.
Anuman ang bagay na nangyari sa ating kasalukuyan ay
dapat natin itong namnamin. MAging ito man ay may
trahedya o pagsubok. Ito’y magagawa lang natin kung
tayo’y mananampalataya, magkakaroon ng pag-asa at
maupuno ng pagmamahal.
Ngayon natin kailangang pahalagahan ang mga taong
ating minamahal at nagmamahal sa atin. Hindi na
kailangang dumating ang PAsko upang iparamdam
sa kanila na minamahal at pinapahalagahan natin
sila. At hindi bang magandang simulan ito ngayong
panahon ng adbiyento habang hinihintay ang kanyang
pagdating—aang ating kaligtasan? At kahit na may
mga pagsubok sa buhay, huwag nating kalimutang
maging masaya habang naghahanda sa PAskong
darating.
Kailangang buksan natin ang ating puso upang
tanggapin ang pagdating ni Hesus sa buhay natin at
walang ibang panahon upang gawin ito kundi ngayon,
at hindi bukas, hindi lang sa paskong darating.
Tuesday, February 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment