Ina ng Hapis, Ina ng Pitong Hapis o Mater Dolorosa ay ilan sa mga pangalang ibinigay kay Maria kaugnay sa mga paghihirap na dinanas niya sa kanyang buhay. Ang pitong hapis ni Maria (Seven Sorrows of Mary) ay isang kilalang debosyon ng Katoliko Romanong kung saan ang dasal ay binubuo ng mga pagninilay-nilay sa kanyang pitong hapis. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang natin tuwing ika-15 ng Setyembre.
Ang Pitong Hapapis ni Maria
1. Ang Hula ni Simeon sa sanggol na si Hesus (Lucas 2:34)
Binasbasan sila ni Simeon at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami”. Ang lahat ng ito’y naunawaan ni Maria ngunit nagsimula siyang makaramdam ng kalungkutan. Batid niya ang misteryong nakapaloob sa hula ni Simeon. Bagama’t labis ang pagdurusa ng kanyang puso at isipan ang lahat ng ito ay tahimik na dinala ni Maria.
3. Ang pagkawalâ ng batang si Hesus ng tatlong araw (Lucas 2:43)
Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang.
Walang kapantay ang pag-áalalá at kalungkutan ni Maria nang mawala si Hesus. Sa loob ng tatlong araw, hindi siya kumain at natulog sa paghahanap ng nawawalang si Hesus. Ngunit si Maria ay naging matatag sa gitna ng kalungkutan kaya’t lubos ang kanyang tuwâ nang matagpuan nila ang batang si Hesus.
2. Ang pagtakas patungo sa Ehipto (Mateo 2:13)
Pagkaalis nila, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, at dalhin mo agad sa Ehipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.”
Walang pagtutol na sinunod ni Maria si Jose na pumunta sa Ehipto upang iligtas ang sanggol na si Jesus. Pagod, gutom, pagkauhaw, mga mapanganib na hayop at iba pang mga paghihirap at panganib ang pinagdaanan ng pamilya sa mahabang paglalakbay nila sa disyerto. Higit sa lahat ay ang kalungkutan ni Maria sa pag-áalalá niya sa sanggol na si Hesus.
4. Ang pagtatagpo ni Hesus at Maria sa Daan ng Krus (Lucas 23:26)
Nang dala na nila si Hesus upang ipako, nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid. Ito’y si Simon na taga-Cirene. Pinigil nila ito at ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Jesus.
Sa kabila ng labis na paghihirap ng kalooban dahil sa pagdurusa ng anak na si Hesus, si Maria ay nanatiling tahimik at mapagkumbaba sa kanyang mga kilos. Marami ang kumukutya sa kanyang anak, ngunit ang kanyang tingin ay puno pa rin ng kabutihan para sa mga taong iyon. Walang tigil din ang pagdarasal niya para sa mga taong nagpapahirap kay Jesus.
5.Ang pagpako kay Hesus kung saan nakatayo si Maria sa paanan ng Krus (Juan 19:25)
Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleofas. Naroon din si Maria Magdalena.
Sa pagtayo niya sa paanan ng krus ni Hesus, higit ang sakit na naramdaman niya. Ang kanyang luha ay dumaloy na tulad ng dugo sa kanyang mga ugat nang makita ang paghihirap ng kanyang anak. Subalit naunawaan ni Maria
na ang lahat ay nangyari ayon sa kalooban ng Diyos.
6. Ang pagkuha ng katawan ni Hesus mula sa krus kung saan
tinanggap ni Maria sa kanyang mga kamay (Mateo 27:57)
Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-
Arimatea, na nagngangalang si Jose. Siya’y alagad din ni Hesus.
Hindi mailalarawan ng sinuman ang kalungkutan ni Maria ng mga
oras na iyon. Labis ang kanyang hapis habang pinagmamasdan
ang walang buhay na katawan ni Hesus. Nang sandaling iyon ay nakaramdam din si Maria ng kapayapaan dahil nahawakan niya ang
mga sugat at napunasan ang mga dugo sa katawan ni Hesus.
7. Ang paglilibing kay Jesus (Juan 19:40)
Kinuha nila ang bangkay ni Hesus, at nilagyan ng pabango habang
binabalot sa kayong lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio.
Bagama’t ang sakit na nararamdaman ni Maria ay hindi
maihahalintulad sa kahit anuman, nakadama pa rin siya ng
tuwa dahil alam niyang si Hesus ay di na muling magdurusa at
ma m amatay kundi mabubuhay nang walang hanggan.
ni Mercy Riobuya
Tuesday, February 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment