Can you sniff it in the December air? It’s Christmas fast approaching.
Some two months after the back-to-back onslaught of storm “Ondoy” and typhoon
“Pepeng”, many of us continue to wonder about the welfare of those who suffered
enormously from them -- especially since Christmas is just a few weeks away.
And so, we asked five survivors (of Ondoy) the question: “Are you ready for Christmas?”
Here’s what they have to say…
September 26, 2009 was a
day I will never forget. It all
started out as just another
ordinary rainy day in Gulod,
Novaliches. At around 10:00
a.m., my neighbors knocked
at my gate and asked if they
may pass their belongings over
the concrete perimeter walls
dividing my property from
theirs. The river was already
swollen and the current was
rapidly getting stronger,
preventing my neighbors from
passing through their gate.
I couldn’t believe what was
happening. Before I knew it,
the flood waters reached kneedeep
inside my own place. I
ended up being rescued from
atop my AUV by neighbors and
had to be tied around the waist
with an electric wire to be
able to cross to a nearby roof.
We had to cross from rooftop
to rooftop to get to a higher
plane not really knowing if the
water would ever stop rising at
all. At this point, I told myself
that this was not yet the end
of the world. I remembered
God’s promise to Noah that
never again will the earth be
destroyed by water.
From a distance I could see
the water level rising 10 feet
high and past the second floor
of my house. I felt so bad that
everything that my wife and I
had accumulated over the last
eight years were all underwater
- laptops, desktops, stereo
systems, television, appliances,
furniture, etc. What I only had
with me were the wet clothes
that I had on, my cell phone and
wallet, which, I thought, could
be the very thing that would
let others identify me should
I be unfortunate enough to be
swept away by the floods.
The extent of the flood’s
damage went far beyond the
tangible properties that got
soaked in mud and water.
Lost among all the rest was
the sense of security that I
haf enjoyed in that structure
I called home for more than
seven years. Lost also were
personal files and pictures that
were reminders of birthdays of
my daughter, and Christmases
spent there.
Will we be able to cope with
the tragedy and be ready to
celebrate the forthcoming
Christmas? How, indeed, do you
spend Christmas without a high
fidelity sound system blaring
out Christmas carols, without
colored, blinking lights, and all
those other things that tell you
that life is good and that there
is reason to celebrate?
But, there is reason to celebrate,
even without all these.
Christmas is about the Child
Jesus who came into this world
without anything other than
his family. It is about thanking
God for giving us our family
who will be with us through
every difficulty we face, who
will make us feel safe and loved.
That is what matters. Joseph
and Mary were all that the baby
Jesus had when He came into
this world. We are probably far
luckier as we have more family
members who will be with us,
in good times or in bad. Floods,
fires, and other calamities may
wipe away all that we have.
But with our family with us
we need nothing else. That is
what celebrating Christmas is
all about. - Michael Francis A.
Ramos, CPA; Member, Lectors
and Commentators
---
Ina kala kong simpleng pagulan
lang ang nararanasan ng
lugar namin sa mga oras na
iyon kaya hindi ko masyadong
binigyan ng pansin. Ang pagakala
kong simpleng pagulan
ay napalitan ng takot
at pangamba nang biglang
tumaas ang tubig sa loob
lamang ng sampung minuto
at unti-unti na itong pumasok
sa loob ng aming gate. Mas
lalo akong nahintakutan para
sa kaligtasan ng mahal kong
ina at dalawang nakababatang
kapatid nang may nakapagsabi
sa akin na nawasak daw ang
pader ng aming subdivision,
dahilan para tumaas nang
ganoong kabilis ang tubig mula
sa creek at rumagasa ang tubig
papasok sa aming lugar. At di
nga nagtagal, dumating na ang
aking kinakatakutan. Biglang
pumasok na mismo sa loob ng
aming bahay ang tubig at untiunti
nang nagsilutangan ang
aming mga kagamitan kaya
madali kong nilikas ang aking
nanay at mga kapatid at lakasloob
na sinagupa ang lagpasleeg
na tubig sa kalsada papunta
sa ligtas na lugar kasama ng
aming mga kapitbahay.
M araming naiwan at natrap
sa aming subdivision.
Karamiha’y naabutan na ng mga
local rescuer ng bayan ng Imus
sa kanilang mga bubungan at
kinailangan pang gumamit ng
malalaking trak at lubid para
mapuntahan sila dala ng taas
at lakas ng agos ng tubig sa
mababang parte ng aming
subdivision.
M ahalaga ang buhay nang
higit pa sa anumang materyal na
bagay. At bilang mga kristiyano,
patuloy nating mahalin at
pahalagahan ang buhay na
ipinagkaloob Niya sa atin.
Sasapit nanaman ang
kapaskuhan. Marami mang
kasangkapan ang nasira dahil
sa pagbaha, ayos lang. Ang
mahalaga ay magkakasamang
malusog at buo ang pamilya
habang ginugunita natin
ang kapanganakan ng
‘Tagapagligtas’, ang dahilan
ng pagkaroon natin ng
‘pangalawang buhay’ na
tinatamasa, Si Hesu Kristo!-
Joeven Peja, Imus, Cavite
(Writer for Christ)
---
“Pas ko…Pas ko…Pas ko na
namang muli…” My daughter’s
ardent singing of the Christmas
carols will always remind me
that there is no stopping the
Yuletide season from coming.
A few days after “Ondoy”, my
daughter came up to me and
said, “Nanay, I already made my
Christmas wish.” “Oh, no”, I said
to myself. We, like countless
other typhoon victims, were still
trying to recover from our sad
experience, and there she was
talking about her wish. How
selfish and insensitive of her. I
was about to scold her, thinking
she wanted new books, toys or
clothes, which we lost entirely.
But I was surprised when she
continued; her words felt as if I
was doused with ice-cold water.
“This Christmas, I wish that our
family will be together in a salosalo.”
My 8-year-old daughter,
or telling me her selfless wish:
for our family to be together
for Christmas. How could I have
been so judgmental? Maybe it
was a part of me still attached
to the material world. Perhaps
I haven’t come to terms with
losing the fruits of my labor.
Luntian’s simple wish is my
wake up call to stop brooding
and start moving on.
While it is true that we lost
many of our possessions, we are
blessed because our spirit and
faith are still intact. My family
is complete. Even without
fancily-wrapped gifts, we are
still blessed being together.
What is important is we’ve
learned to let go and LET GOD.
“Ang pag-ibig maghahari…”
Maligayang pasko po! - Dyali
Justo, Montalban, Rizal, College
Professor
---
Hindi ko makakalimutan ang
araw na di-pangkaraniwang
baha ang dumating sa aming
lugar. Bumaba ako ng bahay
nang mga banding alas-5 ng
hapon, pero napatigil ako sa
nakita ko. Nasa hagdanan na
ang tubig. Sobra akong natakot
dahil dalawa lang kami ng
kuya ko sa bahay. Tinanong
ko nang mga oras na iyon,
“Lord, katapusan ko na po ba?”
Natakot ako habang inisip ang
posibilidad na baka hindi ko na
ulit makita ang aking pamilya
at mga kaibigan. Wala akong
magawa noong mga oras na
iyon kundi magdasal.
Nang mga bandang alas-7 ng
gabi, umabot na ang baha sa
second floor. Doon na kami nagisip
ng paraan ng kuya ko para
makalabas ng bahay. Sinubukan
naming sirain ang bintana
pero kami ay bigo. No choice,
lumusong kaming magkapatid
sa baha. Buti na lang nanduon
ang kuya para alalayan ako dahil
hindi ako marunong lumangoy.
Isinara ko ng mabuti ang bibig
ko para hindi ako maka-inom ng
tubig baha.
Dumaan kami sa second floor
ng kapitbahay para makatawid
sa pader. Hindi na kami
makalabas ng compound dahil
lagpas dalawang tao na ang
baha sa kalsada. Kinailangan pa
naming tumawid sa barbwire
na nasa pader at lumangoy uli
sa tubig hanggang makaabot
kami sa front gate ng isang
kapitbahay na nasa mataas
na lugar ang kinatatayuan ng
bahay. Iyak lang ang ginawa ko
nang uma-abot kami sa bahay
ng tiyahin ko. Lubhang nagalala
ang pamilya ko na nasa
Cavite.
Napakaswerte ko dahil buhay
kaming lahat ng pamilya ko
at walang nasaktan noong
humagupit si Ondoy. Sa
karanasan kong ito, naisip
ko kung paano magpapasko
ang mga taong nawalan ng
kabuhayan at pamilya.
Ipagdidiriwang ko ang
Pasko kasama ng mga mahal
ko sa buhay. Tinuruan ako ng
karanasang ito na pahalagahan
pa lalo ang mga taong mahal ko.
Katulad nga ng lyrics ng isang
kanta na narinig ko: “Tuloy pa
rin ang Pasko, dahil ang Pasko’y
nasa ating puso”. - Rose Anne
“AJ” Panganiban, East River
Side Paltok, SFDM resident
ROLP Choir member
---
Habang patul oy na
namiminsala si bagyong
Ondoy, isang kalunos-lunos
na pangyayari ang naganap
sa lugar namin sa Batasan,
Fairview.
T anghali nang nagsimula
ang baha. Patuloy na umakyat
at tumaas ang tubig. Dahil
dito, inakyat na ng ilan ang
mga gamit nila sa ikalawang
palapag ng kanilang mga bahay
ngunit ang bahang ito ay lalo
pang lumala pagsapit ng gabi.
Tuluyan na ngang kinain ng
baha ang ikalawang palapag
ng mga bahay kaya umakyat
sa mga bubong ng kanikanilang
bahay ang mga taong
naninirahan roon. Ang ilan sa
aming kapitbahay ay umakyat
sa puno ng acacia. Naglagay sila
ng lubid at sumunod na lang sa
agos ng tubig para makarating
sa puno. Pitong pamilya ang pilit
nagsiksikan sa napakalaking
punong iyon at dahil dito’y
nakaligtas sila.
Subalit marami pa ring
namatay, patuloy na inanod ng
baha. Ilan na rito ay ang dalawa
kong kaibigan. Humingi sila
ng tulong sa mga kapitbahay
naming nasa puno. Ngunit wala
rin naman silang nagawa, baka
sila rin ang mapahamak kaya
unti-unti nang lumubog at
nalunod and mga kaibigan ko.
Kinaumagahan na lamang narescue
ang mga ligtas.
Laking pasasalamat ko na
lamang at wala kami ng aking
pamilya nang nangyari iro.
Kundi, maaari’y nawala na rin
kami. Nasira nga ang aming
bahay at nawala ang mga
ari-arian subalit labis pa rin
ang pasasalamat ko at buhay
kami. Mas gugustuhin ko pang
magsimula muli sa wala kaysa
kami ang mawala at mamatay.
Hanggang sa kasalukuyan
ay mababakas pa rin sa aming
lugar ang trahedyang kumitil
sa buhay ng aking mga kapitbahay
at kaibigan. Ngayon ay
ipinagbabawal na ang tumira
sa lugar na iyon. Pina-rerelocate
na ang mga tao roon. Ngunit
hanggang ngayon ay naghihintay
pa kami sa relocation area na
ipinangakong aming lilipatan.
At inaasahang ang lahat ng mga
residente sa lugar ay mailipat na
bago mag Pasko.
P ara sa aming pamilya,
ipagdidiriwang namin ang
Pasko at malilimot ang
trahedya na nangyari. Hindi
pa naming alam kung paano
naming ipagdidiriwang ang
Pasko. Talagang ganyan ang
buhay, minsan masaya, minsan
malungkot. Idadalangin na lang
naming na iligtas kami sa lahat
ng kapahamakan dahil ang
buhay di na mapapalitan.
- Name withheld upon
request, Grade six student
Tuesday, February 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment